Launchorasince 2014
← Stories

Biglaan

Baliktanaw sa nakaraan,
May pait na gumuhit sa aking lalamunan.
Alaala ng ating simula,
Tila ba bakal na sa aki'y sumasakal.

Hindi ko alam,
Saan ako nagkamali.
Sa paniniwala bang hulog ka ng langit?
O sa biglang pagtalon sa patibong ng 'yong pag ibig.

Huli na ng malaman ko,
Na hindi mo nga ako gusto.
Siguro nga masaydo akong nabulag,
Sa katotohanang hindi lahat ng matamis ay masarap.

Huli na ng malaman ko,
Na hindi lang ako ang babae sa buhay mo.
Huli na ng malaman ko,
Na ginamit mo lang ako.

Ngkataon nga lang siguro,
Na dumating ako sa buhay mo.
Noong mga panahong durog ka,
At wasak ang 'yong puso.

Nagkataon lang din,
Na tayo'y pinagtago
Mapanlinlang na tadhana,
Apoy ng damdaming hindi akma.

Sana sinabi mo,
Sana nalaman ko.
Hindi sana ganito,
Ang takbo ng ating kwento.

Subalit tama nga sila,
Nasa huli ang pagsisisi.
Nasa dulo ang pagluha,
Nasa dulo ang pagluluksa.

-----------------------------
/ words and letters /