Launchorasince 2014
← Stories

Bilugan ang Buwan

Nang-aakit ang buwan

"Ang ganda" wika niya

Napatango at ngumiti

"Oo nga" sagot ko. 


Sa itaas ang tingin ay ibinaling 

Di maaninag ang hinahanap ng paningin

Makakapal na ulap ay tumatabon

Sa nga bituing gumagayak sa kalangitan. 


Madilim ang paligid

Nakakabingi ang huning hatid ng ga kuliglig

Nakakakilabot ang ihip ng hangin. 


Mata ay naipikit

Noo ay napakunot

Heto na, ramdam ko na

Mahapdi, masakit

Namamanhid, nangangati.


Lumapit pa siya ng kaunti

At pabulong na nagtanong "Okay ka lang?" 

Napangisi, nainguso

Tuluyang naaninag ang kanyang kabuuan. 


Tirik at namumula ang mga mata

Bumabati, nagwawala, humihiyaw

Nanindig ang mga balahibo. 


Luminga-linga

Di mawari

Kung saan mapadpad. 


Lumilinaw, nagbabalik

"Ayoko na, tama--" 

Pagsasalita ay di naituloy

Bibig ay binusalan ng kung ano. 


Paningin ay hinarangan

Pandinig ay nabingi

May mabigat na lumapat sa bungo. 


Sumalampak ang katawan 

Basa at mabaho

Malagkit, matigas

Tuluyang nawalan ng ulirat.