launchora_img

Dahil Pinakawalan Kita

Info

Tatlong taon.


Tatlong taon na hindi tumigil ang pagbuhos nang mga tanong. Mga tanong nang bakit at paano tayo naghiwalay.


Mga tanong sa kung bakit sa hinaba haba nang ating pagmamahalan ay nauwi lang sa hiwalayan.


Sa kung bakit nga ba natin sinukuan ang pag-ibig na dalawang taon nating hindi sinukuan. Na sa kabila nang mga away, sagutan, at pikunan, ay nagawa nating ipaglaban.


At sa mga taong alam kung gaano kita kamahal at kung gaano ako naging buo dahil sayo, napakalaking tanong sa kanila kung bakit nga ba sa huli ay pinili kitang pakawalan.


Ito yung mga tanong na matagal ko ring tinakasan.


Matagal kong pinagtaguan.


Bakit?


Dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iba ang bagay na hindi ko nagawang ipaliwanag sayo.


Mga dahilan na pinili kong itago mula sayo...


Kahit pa isang beses ay nagawa kitang hanapin sa lawak nang mundong 'to.


Pero ngayon, bibigyan kong kasagutan ang lahat ng tanong.

Ilalabas ko ang mga salita na pinilit kong ilihim nang tatlong taon at sinarili sa kabila nang mga luha at sakit.


Bakit nga ba kita pinakawalan?


Pinakawalan kita dahil nakita kong hindi ka na masaya.

Pinakawalan kita dahil sinabi mo sa aking napagod ka na.

Pinakawalan kita dahil nung gabing yun, sinabi mong nagsasawa ka na sa halos araw araw na tampuhan nating dalawa.

Pinakawalan kita dahil hindi ko alam kung kaya ko pang buoin ka, sapagka't nang mga panahong yun ay nawasak ako nang nawasak na tayo.

Pinakawalan kita dahil nalaman kong may nagpapasaya na sayong iba.

Pinakawalan kita dahil inisip kong baka mas kaya kang pasayahin niya.

Pinakawalan kita dahil inisip kong kaya niyang ibigay ang mga bagay na hindi ko kayng ibigay sayo.

Pinakawalan kita dahil nalaman kong nang mga oras na yun ay mas kaya ka niyang ipaglaban.


Pero higit sa lahat, pinakawalan kita dahil pinakawalan mo ang tayo.


Ngunit nagkamali ako.

Pinakawalan ko lang ang tayo pero kailanman ay hindi ko nagawang pakawalan ang pagmamahal ko sayo.


Sa paglipas nang mga araw, unti unting nawawasak ang mundo ko. Naghahanap nang kalinga at pagmamahal sa piling mo.

Lumipas ang mga buwan at naging mga taon, araw araw kong binubuhat nang mag-isa ang pag-asang-


pwede pa ulit na maging tayo.


Pinasan kong mag-isa ang mga pangarap nating naiwan sa ating mga alaala.


Niyakap kong mag-isa ang larawan mong hindi kumupas katulad nang pag-ibig ko.


Pinanghawakan kong mag-isa ang mga pangakong binitawan natin noong tayo pa at tila ba tayo lang dalawa.


Hanggang ang puso ko'y nilunod nang mga pagsisisi.


Pinagsisihan kong pinakawalan kita.


At nahanap ko ang sarili ko na hinahanap ka sa kabila nang lawak nang mundo, kasabay ang bawat dasal na sana tayo nalang dalawa.


Tayo nalang ulit sana.


Dahil pinakawalan kita...


Dahil pinakawalan kita, hindi ko nakita ang mga paghihirap mo sa piling niya.

Dahil pinakawalan kita, hindi ko nakita ang pagwasak niya nang mga pangarap mo.

Dahil pinakawalan kita, hindi ko nakita ang pagpatay niya sayo nang paulit ulit.

Dahil pinakawalan kita, hindi kita nagawang yakapin sa mga gabing nag-iisa ka.

Dahil pinakawalan kita, hindi kita nagawang hawakan sa mga panahong sumusuko ka na.


Dahil pinakawalan kita, hindi kita nagawang ipaglaban.


Kaya mahal, ako sana'y iyong mapatawad na...


Patawad dahil pinakawalan kita sa mga panahong dapat ay mas pinanghawakan kita.


Patawad dahil naging duwag ako sa mga panahong dapat ay mas pinaglaban ko ang tayo.


Pinakawalan kita dahil sa takot ko.


Dahil pinakawalan kita ay natakot ako.


Kaya sa pagkakataong ito, na nagbalik ka at nabalik ang tayo, ay mas maging matapang na sana tayo.


Sapagka't dahil pinakawalan natin ang isa't-isa, ay mas nawasak lang tayong dalawa.


Dahil pinakawalan kita...


dahil pinakawalan mo ako...


ay mas nasabi nating,


"Ito nga ang tunay na mahal ko"


Ito nga ang tunay na mahal ko...


Dahil pakawalan mo man, ito ang katotohang hindi mo mababago.



4 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgEros& Cupid
4 years ago
I literally hear your voice
launchora_imgEros& Cupid
4 years ago
I. literally hear your voice
More stories by Violet
Disguised

When they don't need anything from you, they'll ignore you like the wind.

30
2 0 1 9

New year, same life, different circumstances.

33
OO, Iniwan Kita

Sa pagsuko ko sayo...

42

Stay connected to your stories

Dahil Pinakawalan Kita

95 Launches

Part of the Confessions collection

Published on September 26, 2019

Recommended By

(4)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.