Dalawang beses lang kitang nakitang nasaktan
Isa noong sinukuan ka nang nauna
Pangalawa'y nang pinagpalit ka niya
Dalawang beses na puso mo'y naging tanga
Ngunit ang mga luha mo'y naging mga luha ko
Ang paghihirap mo'y naging paghihirap ko
Pumayag akong maging sandalan mo
Kaibigang nandiyan kapag kailangan mo
Akala ko noon may bukas ang ganito
Akala ko noon may isang tunay na tayo
Akala ko noon panahon na nang ikaw at ako
Ngunit hanggang akala lang pala ang lahat ng ito
Ang nakaraan natin ay puno ng alaala
Malungkot man o masaya ay nakasama kita
At sa pagdilat sa umaga ay ikaw ang liwanag na dala
Sapagka't sa araw at sa gabi ko'y mahal na mahal kita