Are you sure you want to report this content?
Nag-iisa lamang ako rito
Para sa'yo
Para kanlungin ka, at kanlungin mo
Para masulyapan mo ng malapitan
Ako ang natatanging bulaklak
Na inilagay mo sa paso
Dito sa 'yong paborito at nag-iisang lamesa- kung paano mo ako paborito dahil ako lamang ay nag-iisa
Malapit sa durungawan ng 'yong maliit na silid
Ngunit sa tuwing ang ikaw ay hindi na ikaw
Nariyan ang 'yong hardin, samu't sari ang lalanghapin
Ngunit sa tuwing nawawala ka sa 'yong sarili
At nais mag-isip, nais huminga, nais ng kalinga
Na sabi mo noo'y ako'y magiging sapat ngunit ngayo'y sariwang hangin ang 'yong hanap
Kung kaya't tatanaw ka sa bintana
Aabutin ng 'yong paningin ang mga rosas at iba pang mga uri ng bulaklak
Kung kaya't iiwan mo ako
Didiligan mo sila, maligalig
Nakakalimutan mo ako, bakit
Sa gayong ako ang pinitas mo
sinta ko,
ibig sabihin ba nito'y
hindi ako nababagay sa isang hardin
Akong nasa harapan mo
Akong lagi't-laging nag-iisa
Para sa'yo
Pumayag ako
Na pumalagi dito
Dito sa espasyo kung saan
Tayo lang
at wala ng iba
Dahil pinili mo ako
Ngunit baka nga dahil lang
Sa ako'y kaaya-aya
Ngunit sinta ko,
Pareho lamang tayo
Kaaya-ayang tignan
Kapag mag-isa
---
[sariling litrato at pag-guhit]
60 Launches
Part of the Musings collection
Published on July 04, 2019
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.