Dahil kung tatanungin mo ako
kung anong gamot
ang aking kailangan,
hihingan kita ng
isang tableta ng kasiyahan
at dosis ng mga
taong mapagkakatiwalaan.
At kapag gumaling na ako
ng tuluyan,
isasalaysay ko
kung paano ko tinanggihan
si kamatayan
nang minsan n'ya akong
alukin ng pagkakaibigan.