Launchorasince 2014
← Stories

Ikaw

*18

Ikaw
By: Elyza Marie Caliwag

Ikaw ang kapeng
Gumigising sa umaga
Ang larawang iginuguhit sa mga bituin
Pag ang araw ay wala na
Ang pahina ng libro
Na pinipilit tapusin
Kahit mata'y pumipikit na
Ang uri ng letrang
May halong gayuma

Ikaw ang uri ng salitang
Hinding hindi pagsasawaan
Ang bahagharing kung umalpas
Ay miminsan lamang
Ikaw yung tipong lalabas
Matapos ang unos ng bagyo
Mula sa galit ng ulap
Nagiging isang magandang paru-paro

Naligaw nadin tayong minsan
Nalunod sa loob ng karimlan
Pinilit ayusin ang tadhana,
Nagawang balukturin kamay ng orasan
Hanggang umayon na sa tama
Umayon na sa bawat pintig,
Sumabay na sa bawat tugma

Hindi kita natagpuan
Sa napagkasunduang tagpuan
Si Bathala ang nagbigay ng ugnayan—
Binura ang salitang sakit
Inalis ang lahat ng bakit
Kinamuhian ang salitang paalam
Hindi tayo nagtagpo sa tagpuan—
Bagkus nagkita tayo sa lugar
Na pina hindi natin inaasahan

Ikaw,
Ang pangalan mo ang aking tinutukoy
Ikaw,
Ang matagal ng hinahanap na ukit sa puno ng kahoy
Ikaw,
Ang ritmo sa bawat tugma ng taludtod
Ikaw,
Na mamahalin hanggang sa bumigay ang tuhod
Ikaw,
Ang tinutukoy kong isa sa mga pangarap
Sa bilyon bilyong tao, ikaw.
Ikaw ang matagal ko ng hinahanap.