launchora_img

Ikaw Na Hindi Pwedeng Maging Ako

Info
Ginawa kitang buwan, dahil akala ko ako lang yung sinusundan
Ginawa kitang araw, dahil akala ko sakin mo lang ipaparamdam ang init ng ‘yong pagmamahal
Ginawa kitang bituin, dahil akala ko ikaw yung bubuo sa akin
Ginawa kitang mundo, dahil akala ko ako lang din yung mundo mo.
Pero ang mga luhang ito pala ay,
Hindi dahil iniwan mo akong mag-isa
Kundi dahil umasa ako,
Sa mga akalang ako lang at wala ng iba.
Dapat pala ginawa kitang ikaw
Ikaw na tao lang, ikaw na pwede akong iwan
Ikaw na kapag may nahanap na mas maganda,
Ikaw na kapag nagsawa na,
Ikaw na kapag hindi na masaya,
Ay hindi na ako ang gugustuhin mong makasama.
Ngayon, Kung bibigyan man ako ng isang pagkakataon
Gusto kitang gawing ako
Ako na ikaw lang yung gusto, ako na ikaw lang ang mundo
Ako na tatanggap sayo, ako na sa lahat ng pagkakataon iisipin ka
Ako na susuyo sayo tuwing magtatampo ka
Ako na hindi ka iiwan kahit marami pang iba
Ako na nagagawang magpakatanga dahil mahal ka ng sobra.
Pero naisip ko na hindi pala ako, ikaw
O hindi pala ikaw, ako
Na hindi pala pwedeng ipilit lahat ng gusto
Na hindi pala pwedeng ako lang ang mag-wasto
Na hindi pala pwedeng ibalik sa dati ang lahat kung ako na lang yung nandito.
Hindi pala pwedeng mahalin mo’ko ulit
Hindi pala pwedeng tayo nalang ulit
Hindi pala lahat ay kaya kong ibalik
Na kahit nandito pa ako, ay wala kana
Na kahit anong pilit ko kung ayaw mo na,
Ang lahat pala ng ito ay magsisilbi nalang alaala,
Ng isang taong ginawa ang lahat,
Ng isang taong ginawa kang lahat,
Ng isang taong handang gawin lahat,
Para sa isang ikaw na hindi pwedeng maging ako
Para sa ikaw na iba na yung mundo.


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Joyce
Mga Alaala ng Aking Bangungot

Sa pagitan ng araw at ng buwan , sa gitna ng bukas at ng hangganan.

00
My twenty-five words

running out of words.

10
Swearword

A man’s reason for his broken promises

44

Stay connected to your stories

Ikaw Na Hindi Pwedeng Maging Ako

59 Launches

Part of the Love collection

Updated on February 12, 2019

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.