launchora_img

ISA. DALAWA. TATLO.

Info

Isa, dalawa, tatlo.
Patuloy akong nagbibilang ng mga hakbang palapit sayo.
Apat, lima, anim.
Naguguluhan kung ako ba ay aamin.
Pito, walo, siyam.
Natatakot sapagkat hindi ko maamin, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Sampu, labing isa, labing dalawa.
Kung tama pa ba ang landas na tinatahak nating dalawa.
Labing tatlo, labing apat, labing lima.
Susuko na ba? O ipagpapatuloy pa?
Labing anim, labing pito, labing walo.
Pwede na ba nating ituloy ang pag-ibig na nabuo?
Labing syam, Dalawampu.
Ititigil na lang, sapagkat wala namang patutunguhan ang pag-ibig na ayaw namang ipagsigawan.

Dalawampu't isa, dalawampu't dalawa, dalawampu't tatlo.
Susuko na sapagkat ako ang talo.
Dalawampu't apat, dalawampu't lima, dalawampu't anim.
Pipigilin na ang pag-ibig na hindi na kaya pang aminin.
Dalawampu't pito, dalawampu't walo, dalawampu't syam.
Isusuko na kita, sapagkat sayo'y mayroon nang ibang nagmamay-ari.
At pag patak ng tatlompu.
Ako'y titigil na, at di na muling lilingon pa.

Pero hindi pa pala ako tapos magbilang. Hindi pa ako tapos sa paghakbang.
Pabalik sayo at sa ating nakaraan.
At sa dati nating pinagsamahan.
Tatlompu't isa, tatlompu't dalawa, tatlompu't tatlo.
Bakit di pagbiyang muli ang pag-iibigang ito?
Tatlompu't apat, tatlompu't lima, tatlomput anim?
Bakit ayaw mo pang aminin? Na mayroon ka pang nararamdaman sa akin?
Tatlompu't pito, tatlompu't walo, tatlompu't syam.
Titigil na ba at bibitaw? Kakalimutan na ba ang pag-ibig na minsa'y pinaramdam?
Apatnapu, apatnapu't isa, apatnapu't dalawa.
Hanggang dito na lang ba talaga tayong dalawa? Hanggang dito na lang ba talaga amg pag-ibig na minsa'y pinag-isa?
Apatnapu't tatlo, apatnapu't apat, apatnapu't lima.
O baka naman meron nang ibang nagpapasaya? Na dating ako lamang ang nakakagawa?
Apatnapu't anim, apatnapu't pito, apatnapu't walo.
Kung meron ma'y titigil na ako.
Apatnapu't syam, Singkwenta.
Sana'y nagkaroon ng kwenta, ang aking kwento sa iyong libro.

Hindi man nagtagal at maagang nagtapos. Patuloy kong hihilingin na sana'y huwag kang makakalimot. Na minsan sa buhay mo dumating ang kagaya ko. At kung sakali mang magkita tayong muli, ika'y ngingitian at sasambitin "sana'y masaya ka na, dahil yun lamang ang aking ninanais para sa iyo". At sa panahong iyon ay sisiguraduhin kong wala na akong pagtingin pa sa iyo.


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Thongie Rose
The Rain

How the rain always reminded me of you.

01
I wish.

What if I wasn't me.

20
Ako.

Bakit di nyo rin subukan na intindihin ako?

00

Stay connected to your stories

ISA. DALAWA. TATLO.

34 Launches

Part of the Confessions collection

Updated on August 13, 2020

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.