Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Isang sulatin ay hindi magiging sapat,
Para ipamalas ang tao na ang pagmamahal ay tapat
Sa umaga ang tinig niya ang unang naririnig,
Lakas niya hanggang gabi ay hindi mapapatid.
Sa lamig ng kwarto, kumot niya sakin ibinigay.
Sa init ng araw, panyo niya sakin isinampay.
Sa pagkain na kanyang dinampot, sa akin ay isinubo.
Sa pagaaruga ako'y hindi niya binigo.
Ang kalsada ay kanyang kaibigan,
Ang araw ay kanyang kamustahan,
Maibigay lamang ang kagustuhan ng pinakamamahal.
Kaming kanya sobrang minahal
Pasensya na po sa mga bagay na aking nagawa,
Napapalakas ang sagot sapagkat sa aki'y nagduda,
Aking noo ay kumukunot sa pagsapit ng umaga,
Sa pagsuway sa iyong utos na paminsa'y hindi tama.
Para sa tao na lahat ay ginawa para sa anak,
Para sa mga araw na iyong isinakripisyo,
Para sa mga oras na sinayang mo para sa akin,
Para sa iyo, Ina, ako'y nagpapasalamat.
Sa mundong ito ikaw ay lumalaban,
Para sa mundong aking kakalakihan.
Sa pagod na iyong pinapasan,
Para pagod ay hindi ko maranasan.
Kulang ang yakap na maari kong ibigay,
Ang halik na hindi magpapagaling sa iyo,
Ang mga salitang kaya kong bigkasin.
Upang ibalik lahat ng iyong ibinigay sa akin.
Salamat po,
Pasensya po,
Ito lamang ang kaya ko sa mga panahon na ito.
Mahal kita, Ina.
Mahal kita, Ma.
58 Launches
Part of the Life collection
Published on December 12, 2018
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.