launchora_img

Illustration by @luciesalgado

I've been loving you till now, because I never stopped.

Info

Di mapapaliwanag nang bawat salita kung gaano ako nasaktan noong araw na lumisan ka. Mahalaga pa ba yun? kapag ba pinilit kong ipaliwanag sayo maiintindihan mo ba? Maayos mo ba lahat nanag nasira? Babalik ka ba? Babasahin mo ba? O kahit ako na magbasa, pero makikinig ka ba? 

Naalala mo pa ba? Yung mga ilang beses tayong pinagtagpo nang tadhana? At isipin mo yun, sa tanda mong yan naniwala ka sa Destiny. At sa tanda mong yan, umibig ka nang disisyete. Naalala mo pa ba yung paborito nating pelikula? Oo yung One More Chance, si Popoy at Basha. Na lagi mong sinasabi sakin na "Hindi ka man Arkitekto at hindi man ako Inhinyero pero tatandaan mo, yung pagmamahal ni Popoy kay Basha mas hihigitan ko yun." Yung laging mong sinasabi na lalagpasan natin ang Forever nila. Gago wala namang forever talaga. 

We both thought that love can conquer all. 

Maraming beses tayo nag away sa mga walang kwentang mga dahilan. Dahil alam mo ring bata pa ako, at marami pa akong di alam. Pinilit kong i-adjust ang sarili ko sayo, sa edad mo, sa lifestyle mo, sa ugali mo. Maski sa sa oras nang uwi mo dahil sa trabaho mo, sa oras na pwede tayo mag usap, sa mga araw na pwede tayo magkita.

 I love you so much and adjusting myself just for you isn't a thing.

Ginawa ko ang lahat, pinipilit kong maging hands on para sayo. At dahil sa edad mong yan, asawa na ang hanap mo, sinusubukan ko maging asawa sayo. Ipagluluto ka, ipaglalaba, lilinisin ang kwarto mo, aayusin mga gamit mo, mamahalin ka, iintindihin. Na kahit lahat minsanan ko lang nagagawa dahil nasa siyudad ka, nasa probinsya ako. Babyahe ako nang malayo makasama ka lang, mayakap ka lang. Kahit na pagdating mo tulog na ako, yayakapin mo ako at ibubulong sa tenga ko na "Please dito ka na lang lagi". Sa tuwing sinasbai mo yun, nadudurog ang puso ko dahil hindi pwede, mahal. Bata pa ako at madaming dapat pang matutunan. May mga pangarap din akong maaring di ka makasabay. Pero lahat di ko muna inintindi, dinalasan ko ang bisita sayo para lang di mo madama yung distansya, yung katotohanang di mo ako madalas nakakasama. Tatawagan kita sa pag gising mo, sa pag uwi mo, ipapaalala na wag kakaligtaan ang pagkain, na naging nakakairita na para sayo. Ang sakit kasi isipin na uuwi ka na wala ako. Walang yayakap sayo, walang magtatanong kung bakit ka malungkot, sobrang pagod ka ba? Badtrip ba sa work? Walang papawi nang pagod mo sa pamamagitan nang mga halik. At patawad. Patawad kung hindi ko magawa lahat nang bagay na yan.

I just don't understand why we have to separate ways like this.

You could just told me, that you can't wait anymore.

Hindi mo alam kung paano ako nawasak noong iniwan mo ako. Halos hindi ako makatulog. Nagigising ako sa boses mo, na sinasabi mong gumising na ako, na mahal na mahal mo ako. Nagigising ako sa mga oras na nasa bahay ka na at tatawag ka na. Nagigising ako sa mga magagdnang panaginip na nagiging bangungot dahil pag gising ko wala ka. Wala ka na. Hindi mo alam kung ilang beses kong gustong tapusin ang buhay ko dahil pakiramdam ko wala na namang dahilan pa dahil wala ka na. Wala na. 

I've been loving you till now, because I never stopped.

Yung inibig mo noong 17 sya, 20 na ngayon. Yung dalagang inalagaan ka nang halos dalawang taon, gagraduate na ngayon. Nagsisimula nang bumuo nang mga bagong pangarap. Mga pangarap na hindi ka na kasama. Dahil lahat nang nabuo nya noon, nailagay nya ang buhay nya nang kasama ka. Yung uuwi sya na ikaw ang unang makikita, yung ikaw papawi nang pagod niya. Yung ikaw ang makakasama nya hanggang sa huli. 

I've been loving you for years now

Ang sarap kasi sa pakiramdam eh, kung paano ka magmahal. Lagi kong pinagmamalaki na kahit magkaiba tayo nang paniniwala at tradisyon dahil Hapon ka at Pilipina ako, pwede naman tayo gumawa nang mga panibago. Mga tradisyon na ipapamana natin sa apat na anak na gusto natin dahil FilJap na sila. Hindi pinagsisihang naranasan ko lahat nang to sa edad na disisyete.Naranasan ko agad ang pakiramdam nang maging asawa. Pero hindi ako nagsisisi. Ang dami kong natutunan, hindi na ako immature alam mo ba yun? Andami nang nagbago. Hindi na ako iyakin tulad noon. Natuto na akong lumaban. Natuto na akong umapak sa sahig nang walang alalay. Nagawa ko na ring magdesisyon para sa sarili ko. Mas tumapang ako, kahit gabi gabi parin akong nangungulila sayo. Hindi na ako umiiyak nanag madalas, pero yung sakit nanatili. At ayokong alisin.

Through the years, my smile became sadder and sadder. But still I survived. I lived, imagine that. For years I always wanted to die, but look at me now, writing things about you. How much I love you. How I still love you. How I wish to be with you. Thank you for all the pain that makes me stronger. So now, I wish you can spent some time reading this one.

Your dreams for me is now near to my hands. I will be graduating next year and though I know you don't care anymore, still I am saying this just so you know. I promised you that I will be good to myself. I will love myself, and I will be happy. I will achieve our dreams even thought

I love you.

I still do. 


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Madame
Sad Reality

Young boys and girls always worry about the future. "Will I ever be someone's happy pill?" Will I be

01
The Sunset

The sunset

00
My Christmas with you

They said that Christmas is the happiest day ever. But it won't be the same if you're not with me.

00

Stay connected to your stories

I've been loving you till now, because I never stopped.

37 Launches

Part of the Confessions collection

Updated on June 12, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.