Launchorasince 2014
← Stories

Jeep

Masikip. Mainit. Hindi ako makahinga. Gusto ko nang makaalis sa lugar na 'to.
Nahihilo na ko at bumabaligtad na ang sikmura ko. Sumabay pa ang nakasusulasok na amoy na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Napakatahimik ng atmospera sa loob ng kinalalagyan ko. May naririnig akong ingay sa labas pero hindi ko ito pinapansin. Ang gusto ko lang ay makaalis na dito.

Ang amoy na kanina pa nagpapasama ng pakiramdam ko ay mas lalo pang lumalakas. Mas nagiging masangsang at napakasakit sa ilong.

Sinusuri ko ang buong paligid ngunit lahat ng nakikita ko ay hindi kanais-nais. Nakakasura.
Ipinikit kong ang mata ko upang kahit sandali ay makatakas ako sa lugar na hindi gugustuhing mapuntahan ng kahit sino.

Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagkaidlip nang biglang umalingawngaw ag isang matinis na tunog. Nakakairitang pakinggan.

"Para!"

Sa huli'y namalayan ko na lang na ,ako, ang muka ko, ay nakasandal na sa pinagmumulan ng mabahong amoy.