Are you sure you want to report this content?
pasensya kung nahuli ako
pasensya kung ngayon lang ang dating ko
alam kong huli na'ko
pero sumugal parin kahit malabo
pilit paring umasa
kahit alam kong wala na
sinubukang ayusin pa
pero mukhang ayaw mo na
at ayun na nga
bumitaw kana
heto ako at walang magawa
kundi palayain ka
salamat sa lahat
sa mga pagod at puyat
para lang maibigay lahat
alam kong mabigat
kaya salamat sa lahat
sana sa konting oras na nakasama mo'ko
napasaya ko ang tulad mo
mga pangarap na tayong dalawa ang bumuo
sana matupad parin kahit di na ako
ngayon, babalik tayo sa una
noong wala pang problema
noong kahit tayong dalawa lang ay okay na
noong kaibigan lang ang turingan sa isa't isa
mananatili parin kahit masakit
masaya ako dahil kahit konti walang galit
ngingiti parin kahit pilit
maghihintay nalang na mawala ang pait
ibahala nalang sa Itaas ang lahat
at maghintay nalang kung ano ang nararapat
kung muling maramdaman mo na ako sayo'y sapat
pakiusap, muli kang magtapat
pero kung hindi na
nandito parin sayo'y mag papasaya
at may isang hiling lang sana
isipin mong kahit minsan sayo'y may nagpahalaga
siguro nga tama sila
pinagtagpo pero hindi itinadhana
mananatili parin kahit wala na
pero bilang kaibigan na
24 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on November 06, 2019
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.