Are you sure you want to report this content?
Isa lang naman ang gusto kong marinig mula sa'yo
ang mga katagang
alam kong magpapatibok ng mabilis
sa nangungulila kong puso
Iyon ang mga salitang
"Oo, gusto rin kita"
kaso paano ko maririning iyon
kung ang mga mata mo ay sa iba nakatuon
Mahal, ang tagal ko nang gusto marinig iyon mula sa iyo
Ngunit paano?
Sa iba nakapangalan ang puso mo
Sa iba nakayakap ang mga bisig mo
Masakit mang isipin
Pero kailangang tanggapin
na isa lamang akong babaeng
nakatago sa dilim
Sino nga ba ako sa'yo?
Isa sa mga libong babaeng nangangarap na mapasa'yo
at mapasakamay sa mga kamay mong
sobra kong iniidolo
Sa halip na gawin ang lahat
para ikaw ay mapasaakin
Maghihintay na lamang ako
Sa araw na iyong mapagtatanto
Na hindi siya ang babaeng kailangan mo
kundi ang babaeng palaging nasa tabi mo
at iyong babae na tinutukoy ko
ay walang iba kundi ako.
168 Launches
Part of the Love collection
Updated on August 07, 2017
(5)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.