Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Parang tayo'y tanga
Nag aantay kung sino'ng mauuna
Sabik kausapin ang isa't-isa
Ngunit malaking kawalan pag ako'y nauna.
Ang gusto ko kasi sana,
Ako ang lagi mong susundan
At ikaw naman ang lagi kong sasaktan
Mataas ang noo ko't walang kababawan sa katawan.
Habang ika'y tinuturuan ako,
Pahalagahan at paminsan nama'y matakot kumawala sa'yo.
Hinihintay na humingi ng pasensya sa'yo
At iparamdam sa'yo na takot din naman ako.
At sana'y sa paghihintay na ito
Maalala natin ang mga sandaling kinikilig pa tayo
Mga simpleng salita na animo'y isang pelikula
Na tayo ang bida at hindi nila mapaghihiwalay pa.
Isang kumusta lang,
Maibabalik muli 'nun ang ligaya mula sa unang pagkakilala.
Isang balita lang,
Magsasalita ng kusa ang puso nating dalawa
At mga mata nati'y magkukusang kumislap habang tinititigan natin ang isa't-isa.
Sa tingin mo ba'y sapat na ako, ang isang katulad kong parang dahon na gagamitin na pang siga?
1052 Launches
Part of the Love collection
Updated on June 22, 2018
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.