Are you sure you want to report this content?
Illustration by @dariaesste
Lahat ng bagay ay nauubos; ang buhok ng kapit-bahay mo, ang perang inipon pambili ng laruan, ang pasensya ng nanay at tatay mo tuwing uutusan ka na ikaw ay nagdadabog, at marami pang iba. Sa mundo natin isa lang ang sigurado ko na hindi nauubos.
Ito ay ang KATANGAHAN.
Saan nga ba galing ang katangahan? Natural ba ito, ibig-sabihin ay minana natin sa ating magulang? O ito'y nahuhubog, dahil nakikita natin o ipinapakita sa atin ang katangahan ng ibang tao? Ang alam ko lang, lahat tayo ay tanga o naging tanga.
Unang katangahan, katangahan na itinama.
Mahilig ako manood ng palabas sa telebisyon kaya wala akong pinipiling palabas basta pambata. Cartoon, Anime o Child-oriented Program lahat 'yan ay pinapatos ko lalo na tuwing walang pasok. Isa sa mga naging paborito ko ay programa sa isa sa mga malilinaw na channels ng aming telebisyon, naglalaman ito ng maganda at makulay na grapiko at kwento na sadya naman kapupulutan ng mabuting aral sa pag-aasal ng isang bata. Lagi ko inaabangan ang bawat alamat na may dalang hiwaga sa pag-iisip ngunit hindi ko rin inaasahan na isa rin pala ito sa magdudulot ng aking katangahan.
Nais ko noon na sumali sa patimpalak ng spelling sa aming paaralan pang-elementarya kaya naman ganado talaga ako umuwi sa bahay upang sabihin ito sa aking magulang at magpatulong, ngunit, dahil sila ay abala sa kani-kanilang mga gawain ay si Ate Ella ang nautusan ni nanay na magsanay sa akin. Kumuha siya ng isang babasahin na pambata at binigyan ako ng panuto na isulat ko sa papel ang mga pangungusap na kanyang babasahin upang malaman niya kung magaling na ba ako sa BASIC SPELLING; ngunit sa unang talata pa lamang ng binasa ni Ate Ella ay napansin niya na mali agad ang isinulat ko dahil imbes na "Once upon a time" ay ang spelling ng titulo ng programa na aking paboritong panuorin ang nakasulat. Akala ko talaga ay tama ito dahil ito ay hinahayaan na ipalabas sa telebisyon na tinatangkilik ng kagaya ko na kabataan. Hindi pala lahat ng nakikita mo ay tama. Dahil dito ay nagdesisyon na ako na hindi sumali sa nasabing patimpalak bagaman naturingan ako na nasa Top 10 sa klase ay nawalan na ako ng pag-asa.
Ikalawang katangahan, katangahang hinayaan.
Isang araw papasok sa eskwela ay napa-aga ako, madilim pa noon ang langit tanda na mag-uumpisa pa lamang ang araw. Nang malapit na ako sa aming mababang paaralan ay napansin ko na maliwanag na dito dahil sa mga ilaw na nakapalibot, mayroon pala kaming mga panauhin mula sa pang-umagang palabas na naghahatid ng balita. Maingay ang paligid dulot ng mga tao na kalapit ng aming paaralan na nagsilabasan sa kanilang mga tahanan. Nakita ko ang aking guro at siya naman ay aking nilapitan, tinanong niya ako kung gusto ko na sumali sa palaro na gaganapin ng aming mga panauhin sumagot naman ako ng oo at naghanda. Dalawang grupo ng mag-aaral ang maglalaban para sa premyo at binubuo ang bawat grupo ng limang mag-aaral, pa-unahan ito na makuha ang mga school supplies na kukunin namin mula sa kahon, at matapos makatakbo at makakuha ng item ang isa pang kakampi nito ay tatakbo at kukunin ang susunod na item hanggang sa lahat ay may hawak na nakatala sa aming listahan, ito ang panuto ng laro. Lapis, Writing Notebook, Ruler, Folder, at Pantasa; ito ang nakalagay sa listahan. Nang mag-simula ang laro ay naghandan na akong sumunod na tumakbo sapagkat ako ang ikalawang manlalaro sa aking pagmamadali ay nadapa ako at agad na bumangon kumuha ng notebook at tumakbo pabalik sa mga kakampi. Nang matapos ang palaro ay kami ang idineklarang panalo ngunit may gumugulo sa aking konsensya dahil imbes na writing notebook ang nakuha ko ay composition notebook, sinabi ko ito sa mga kasamahan ko upang maging patas at wasto ang naging laban ngunit hindi nila ako hinayaan na sabihin ito mula sa kinauukulan. Nakonsensya ako dahil nagpadala ako sa ibang tao, hindi ko ipinaglaban kung ano sa tingin ko ang tama. Hindi ko naitama ang pagkakamali na iyon bagkus ay hinayaan nila ang katangahan ko.
Ikatlong katangahan, katangahang itinuro.
Dahil sa hirap ng buhay namin kailangan namin ng mga magulang ko na magdoble kayod kahit na may trabaho ang tatay ko bilang isang pulis at may maliit na negosyong video games ay hindi pa rin ito sumasapat sa dami ng gastusin sa pag-aaral naming magkakapatid kaya napilitan ang aking magulang na magtayo ng karinderya sa Divisoria. Dahil dito pagkatapos ng klaseay madalas ako nasa tindahan sa Divisoria noong anim na taon ako upang mabantayan din ako kahit na sila ay nagtitinda. Kasama ko dito ang halos lahat ng aking mga pinsan dahil ang kanilang mga magulang nila ay nagtitinda rin dito. Sa lahat ng aking mga pinsan si Kuya Jayson ang napapansin ko na kakaiba ngunit madalas pa rin siyang makipaglaro sa amin. May isang pagkakataon na kasama ko siya at may sinabi sa kanya ang isang lalaking kausap niya at ang tanging naintindihan ko lang ay ang mga salitang "Mag-jakol ka na lang.". Tinanong ko siya kung ano yun ngunit ang sagot niya sa akin ay isang lugar yun.
Jakol? Isang lugar katulad ng Japan at Jakarta. Yun ang tumimo sa utak ko ng mga panahon na 'yun. Masarap kaya ang mag-jakol, katulad ng mag-Japan?
163 Launches
Part of the Humor collection
Published on December 14, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.