launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Letter to Bes

Info

Ikaw and pinaka unang lalaking naging kaibigan ko. Andoon ka noong kailangan ko nga kasama, karamay o kausap. Pinagkakatiwalaan mo ako at pinagkakatiwalaan din kita. Nakakatawa isipin na nahulog ako sa best friend ko diba? Pero yun ang totoo eh. Ikaw mismo at ang ating mga kalokohan ay ang mga dahilan kung bakit ako nalaglag sayo. Ang pagkuha ko sa oreo mo tapos cream lang kakainin ko tapos ibabalik ko sayo yung cookie o kaya naman tuwing sinusulatan ko mukha mo pagtulog ka at kahit pa ang ating mga asaran at kulitan, balewala lang pala ang lahat ng iyon sayo.

Akala ko parehas tayo ng nararamdaman. Akala importante ako sayo. Akala mahalaga na ako sayo. Akala ko may pag-asa ako. Akala ko lang pala ang lahat.

Pero noong panahon na yun, nakita kita kasama siya.

Higit pa sa isang saksak ang naramdaman ko nun. Sinaksak mo ako tapos inikotikot ng ilang beses pa na parang isa lang akong harang sa daan mo at ang pagpapatay sa akin ang tanging solusyon para maka usad ka. Na parang isa akong threat.

Hindi mo napapansin na nasasaktan na ako. Kung paano mo siya tignan na parang isang anghel ay tila panaginip ko lang. Wala na ako sa pinakataas ng iyong messages. Di mo na ipinagkakatiwala sa akin ang password ng phone mo. Tuluyan ng nawala ang lugar ko sa buhay mo.

At ang pinakamasakit sa lahat? Ay kilala ko at pinagkakatiwalaan ko pa ang taong yun eh. Sa lahat ng tao, bakit siya?

Pinili mong mahalin yung taong hindi kayang isukli sayo ang katumbas na pagmamahal mo. Dahil ang puso niya ay nasa iba na. Hinding hindi mapupunta ang puso niya sayo pero ang puso mo ay nalalaglag at walang kasiguraduhan king may sasalo.

At alam mo ba ang pinakamasakit sa lahat?
Umasa ako. Umasa ako na magkakaroon ng "tayo". Umasa ako masyado na ang tanging naiwan na lamang ay ang mga nabasag na piraso ng aking puso habang pinapanuod kang masaya ka kasama siya. Kung maririnig mo lamang ang mga iyak ng nagdudurusang puso na ito at ang paghagulgol ng babaeng naiwang mag-isa.

Bakit kaya ang hilig natin magkagusto sa mga taong alam natin na hindi natin mapapasaatin? Na kahit pagbalibaliktarin natin ang mundo hindi talaga posible. Bat kaya ganon. Kung sino pa yung andyan, siya pa yung nababalewala at yung may wala naman may pake sila yung hinahabol? Bat kaya?

MABUHAY TAYONG MGA TANGA WOOOOIH


Be the first to recommend this story!
launchora_img

Stay connected to your stories

Letter to Bes

185 Launches

Part of the Love collection

Updated on May 03, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.