Launchorasince 2014
← Stories

Lima

Limang tanong ang pumukaw sa akin

Mula sa panaginip na di ko maangkin

Mga tanong na bumabagabag sa takipsilim

Araw man o gabi, kapwa paring madilim


Paano nga ba kita minahal?

Bakit nga ba hanggang ngayo'y ikaw parin ang mahal?

Sa kung paano kita minahal ng lubusan

Sa kung bakit sa puso ko'y ikaw parin ang laman


Bakit nga ba biglang nagbagao ang lahat?

Nasaan na nga ba ang mga pangako mo?

Ako nga ba ang nagkulang at hindi naging sapat?

O ikaw ang naghanap at di nakontento?


Hanggang dito na lamang ba ang ating walang hanggan?

Dapat ko na bang itigil ang minsang pagmamahalan?

Dahil kung sagot mo'y oo, ay akin nang sisimulan

Ang unang limang hakbang papalayo sa ating nakaraan