Sa wikang banyaga,
Isa... Apat... Tatlo... Sa batid kong wika.
Lima... Apat...
Bilang ng mga titik at salita na hindi ko mabigkas at mailapat.
Sa tulad kong walang lakas ng loob,
pag nasabi ko ito ang puso ko'y sasabog.
Tagu-taguan, mawaglit ka man sa aking paningin.
Pag-dilat ko ikaw pa rin ay hahanap-hanapin.
Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito... Walo... Siyam... Sampu...
Akala ko itinago mo lang ang nararamdaman mo gaya ng pagtatago ko ng nararamdaman para sa'yo.
Umalis ka at naiwan akong lango,
lango sa pag-ibig sa'yo na aking itinago, kaya ayaw ko na magbilang,
at pumikit kung sa aking pagdilat ay hindi na kita magigisnan.
Tara sabay ka,
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Anim...
Pito...
Walo...
Siyam...
Ayaw ko na bumilang pa ng hanggang sampu at pumikit upang alalahanin ang masasaya at masasalimuot natin na sandali, sapagkat kahit ako ay mulat pa ay taglay pa rin ang alaala ng mga nakalipas nating kahapon.
Hilong-hilo,
Litong-lito.
Lango sa alak,
wala pa ring balak.
LaDawa... MaLi... YamSi... PuSam...
Madaming beses na akong sumubok makalimot,
kung ilan ay hindi ko na mabilang, kung kailan ay hindi ko rin alam.
Ang alam ko lang ay ang sumisiksik sa aking kumot.
Hindi dapuan ng antok,
bilangin ang bituin na nasa rurok
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Anim...
Pito...
Walo...
Siyam...
Sampu...
Gising pa rin,
bilang ay uulitin.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Anim...
Pito...
Walo...
Siyam...
Sampu...
Labing-is...
Ayaw ko na magbilang ng lagpas sampu at pumikit hanggang sa ako ay mahimbing;
at sa aking paggising ay mayroon pa rin na ikaw at ako, subalit walang tayo.
Mahal kita ng labis.