Are you sure you want to report this content?
Pagod na ako...
Nakakapagod na paulit-ulit maramdaman na para lamang akong hangin sa 'yo. Hindi ko alam kung anong rason ko para manatili sa relasyon na hindi ko alam kung saan ba talaga ang tungo. Oo, masyado yata kasi tayong naging kampante. Masyado ko yatang pinaramdam na gusto kita kaya ka nagkaganyan. Hindi ko alam kung paano kakapit o kung paano bibitaw. 'Yang mga bagay na 'yan ang sigurado kong kahit tumanda ako'y hindi ko magagamay.
Pagod lang ako...
Katulad ng karaniwang ginagawa ng mga taong pagod, magpapahinga muna ako. Namimiss ko lang siguro ang mga yakap at paglalambing mo. Masyado ka yatang naging busy sa acads at kaibigan mo kaya nakalimutan mo ako. Sige, patuloy kitang iintindihin kahit pa paulit-ulit akong umiyak mag-isa nang walang nakakaalam.
Patuloy ko 'yong ibibigay sa 'yo kahit hindi mo hingin...
Ewan ko ba. Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng katangahan na 'to. Hindi ko alam kung bakit patuloy kitang binibigyan ng pagkakataon kahit hindi mo naman pinagsisisihan ang ginawa mo, hindi ka nagbabago at hindi mo hinihingi 'yon. Ayoko naman sabihing sigurado na tayo kasi anim na taon pa tayong papasok. Sa anim na taon na 'yon marami pa tayong makikilala. Baka nga maakit ka sa babaeng makikilala mo na higit na maganda at matalino sa akin. 'Yung sinabi mo nga lang na "Crush kita kaya gusto kita. Gusto kita kaya mahal kita" pinanghahawakan ko.
Mahal kita, Mahal...
Mahal kita, Mahal kaya hindi ko magawang bumitaw.
42 Launches
Part of the Love collection
Published on March 24, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.