Are you sure you want to report this content?
Maari mo ba akong samahan?
Sa mundong punong-puno ng kasakiman.
At nang hindi ako maiwan,
Dahil tanging ako lang ang mag-isang lumalaban.
Maari mo ba akong samahan?
Itong mga nag-uunahang pagpatak ng aking luha
ay iyo sanang mapatahan.
Habang iniinda ang hapdi’t kirot
na patuloy na ipinaparamdam sa akin
Masakit man sabihin ngunit
lalo lang akong nahihirapan.
Maari mo ba akong samahan?
Sa mga oras na ang tanging kailangan
ko’y ikaw na handang umako
sa mapait na katotohanang
ito na ang katapusan.
Maari mo ba akong samahan?
Nais ko lang naman marinig sa iyong
bibig ang iyong magiging kasagutan.
Nawa sana’y mabigyan mo ako ng tugon
sapagkat ito at tanging ito ang aking inaasam.
Maari ba, kaibigan?
72 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on September 12, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.