Launchorasince 2014
← Stories

Magmahal ka, Pero.

Magmahal ka,
Oo magmahal ka,
Pero sana,
Wag kang magpakatanga.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang mahalin.
Hindi yung taong,
Kaya ka lang paikutin.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang intindihin.
Wag yung taong,
Laging nangangapa sa dilim.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang tanggapin.
Wag yung taong,
Hindi ka kayang sikmurain.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang  ipaglaban.
Wag yung taong,
Ikaw ang laging may kalaban.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang ipagmalaki.
Wag yung taong,
Handa kang isangtabi.

Magmahal ka,
Ng taong kaya kang panindigan.
Wag yung taong,
Balak ka lang paglaruan.

Magmahal ka,
Sige, magmahal ka.
Pero pakiusap,
Wag kang magpakatanga.