Are you sure you want to report this content?
Tamis ng 'yong ngiti'y nagdala ng kasiyahan
Dulot nito sa puso ko'y saya't kagalakan
Iyong mga kamay aking mahigpit na hahawakan
Papunta sa mundong tiyak na walang hangganan
Ika'y aking ihahambing sa munting Prinsesa
Presensya mo'y nahahawig at tila mala Diyosa
Ako ang iyong Prinsipe, na kahit walang Kalesa
Pangako ko sayo mahal na ika'y hindi magdudusa
Hamak lamang ako'y isang karaniwan na tao
Magarang palasyo ay hindi ko maipapangako
Sambit ng aking labi ay ang salitang paano?
Subalit natitiyak ko'y damdamin 'di mabagbago
Ito ay inaalay sa iyo ng buong aking puso
Ikaw at ako sa ating munting simpleng mundo
Pag-ibig mo lamang ang aking tanging gusto
Tulang ito ay para lamang sa'yo o mahal ko
51 Launches
Part of the Love collection
Updated on August 06, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.