Are you sure you want to report this content?
Sa mga gabing ayaw dumalaw ng antok, binabalot ako ng lungkot. Hinahatak ko ang aking sarili paalis sa nakaraan ngunit pilit akong tinatangay ng agos ng sakit pabalik sa pagmamahalan nating napabayaan. Kaya't sa mga gabing ayaw dumalaw ng antok, muli kong binibisita ang mga lugar kung saan minsan tayo naging masaya. Yakap-yakap ang aking sarili at iniinda ang lamig ng gabi. Matyagang pinagmamasdan ang kalawakan habang panay ang hiling kay bathala na muli kang mahagkan.
Mahinahon na nakikinig ang uniberso sa aking mga hiling at hinaing habang matapang kong sinisisid ang karagatan ng mga bituin at pilit na humahanap ng paraan kung paano ka maibabalik sa aking piling. Malalim at tahimik ang gabi na tila ba'y pinakikinggan nito ang aking paghikbi. Wala namang ulan o delubyo ngunit may bagyo sa mga mata ko. Hindi na ba mauubos ang mga luhang ito? Hindi na ba matatapos ang mga delubyong nagbabadya rito?
Napakadaya nga naman ng tadhana hindi man lang tayo nagawang pagbigyan. Hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang mga puso nating minsang ikinandado ng pag-ibig. Mali, hindi nga pala ikinanando ng pag-ibig ang ating mga puso dahil ako lang ang umiibig. Ako lang ang nagmamahal dahil mahal mo pa siya. Napakahirap nga naman mag mahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
Mahal, ayaw mo na ba talaga? Hindi ko pa kasi kaya pero kung doon ka sasaya hahayaan nalang kita. Sasarilihin ko nalang ang sakit at hahayaang magdugo ang aking mga kamay habang pilit kong binubuo ang mga piraso ng durog kong puso. Aaminin ko, kasalanan ko rin naman. Takot na kasi akong masaktan ng dahil sa aking mga nakaraan kaya't pasensya kung hindi buo ang aking pagtitiwala at kung nakinig ako sa sinasabi ng iba. Isa lang naman ang sigurado at hindi ako magsasawang ulit-ulitin ito sayo. Mahal kita ng sobra, sana alam mo.
Pero sana hindi mo nalang ako pinaasa sa mga bagay na wala namang katotohanan. Sana hindi mo nalang binanggit ang mga katagang mahal kita kung babalik ka lang din sa kanya. Napagiiwanan na ako. Iniwan mo akong nagiisa habang nialalamon ng mga demonyong ako mismo ang bumuo. Patawad. Patawad dahil minahal kita ng husto. Patawad dahil pinagpilitan ko ang sarili ko sa'yo. Patawad, dahil kahit alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman ko mas pinili kong mahalin ka dahil kahit ano man ang mangyari pipiliin kita pero mahal, tama na.
Hindi ko na kayang pilitin ang sarili kong maniwala sa mga katagang mahal kita. Hindi ko na kayang magbulag bulagan sa mga kasinungalingan mong alam ko naman ang katotohanan kaya't sana masaya ka. Dahil ayun lang naman ang tangi kong hiling kahit hindi pa ito sa aking piling. Tanggap ko na. Hindi ko kayang palitan ang pwesto niya sa puso mong siya lang ang nakikita. Tanggap ko na. Tanggap ko na hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya dahil isa lang akong reserba.
At ngayong wala ka na, at mukhang wala na talagang pag-asa na maisalba ang kung ano mang meron tayo sinta. Kahit masakit bibitawan na kita. Babalik na lang ako sa dati na pasimpleng tinititigan ang iyong mga ngiti. Babalik na lamang ako sa kung saan hindi iniinda ang ngawit matitigan ka lang. Babalik na lamang ako sa dati kung saan palihim kang pinagmamasdan, malayo o malapit man. Pero huwag kang mag-alala kung nanaiisin mo mang bumalik ako'y nandito lang. Pero sa ngayon, ininabalik na kita sa totoong nagmamay ari sa'yo.
Kahit masakit kakayanin ko tutal naging sandalan mo lang ako nung mga panahong naghiwalay kayo. Ibibabalik na kita sa kanya dahil alam kong mahal na mahal mo siya. Ibinabalik na kita sa kanya dahil alam kong sa kanya ka sasaya kaya't mahal sa huling pagkakataon mahal kita at sana masaya ka. Ngunit sa huling pagkakataon babawiin ko ang sinabi ko. Hindi ko pala maipapangakong nandito lang ako dahil nakakapagod na. Mahal na mahal kita ngunit ako'y ubos na ubos na.
347 Launches
Part of the Love collection
Published on July 07, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.