Launchorasince 2014
← Stories

Maria

Si Maria kahit anong ganda hindi pa rin masaya,

dahil sa puso ng minamahal niya'y siya ang pangalawa.

Pinilit naman niya itong pigilan,

ngunit nararamdaman ay di mapakawalan,

humihingi ng tingi-tinging oras,

maghihintay kahit hanggang bukas.


Pag-balik na walang kasiguraduhan,

pag-ibig na walang kinabukasan,

nabubuhay sa mumunting ngayon,

nakaw lahat ang pagkakataon.

Sa kanyang matalik na kaibigan sila'y nagtataksil,

Kapag ito'y nalaman sigurado sila'y itatakwil.


Pagkikita ng lihim na sandali,

makasalanan na paglalandi,

halikan na ubod nang pagkasabik,

irog ng kaibigan ang katalik,

nadadarang sa init ng bawat saglit,

tadhana nila'y sadyang malupit.


Dumaan pa ang ilang mga buwan,

Si Maria hindi pa rin dinadatnan,

hindi niya maiwasan siya ay kabahan,

puso't isip niya'y nagugulumihanan,

dumating sa tagpo na walang masabihan,

paano na ito, siya'y tuluyang iniwan.