Launchorasince 2014
← Stories

Melancholia

No, mahal pa niya ako. DENIAL. First stage of my suffering. We are deeply in love with each other just few months back then, pero hindi ko alam kung ano ang naging problema at saan ito nagsimula. In just one blink, the sparkle in his eyes have long gone.

He still loves me, as I convince myself and my friends. Mostly, convincing myself. Maayos pa ang usapan namin; a short hi's and hello's then after a while tatanungin niya ang araw ko at kung kumain na ako. We are completely in love with each other, or so I thought, o mas bagay na sabihin na 'yun ang gusto ko paniwalaan. Even though I had seen in his eyes the coldness, I shrug it with my warm kisses. Nakita ko na ang mga signs e, nagbulag-bulagan lang ako. And yes, I could not deny it, I still love him.


ANGER, the second stage of grief. Gusto ko magwala. Gusto ko siya saktan in every way that he will experience and know my pain. I am angry. No, I loathe everything, as in lahat ng nangyari sa amin, lahat ng panahon na pinagkatiwaalaan ko siya, lahat ng pagkakataon na ginago niya ako, lahat ng pagkakataon na kahit niloko niya ako at nakikipaglandian siya sa iba ay pinagkatiwalaan ko siya ULIT. PAULIT-ULIT! At paulit-ulit din akong nagagalit sa sarili ko dahil naging isang malaki ako na TANGA. Tanga ka, Georgina. Tanga ka dahil mas pinili mo siya kaysa sa mga kaibigan mo, at tanga ka dahil harap-harapan ka ng niloloko at sinasaktan ay ikaw pa rin ang bumabalik. Binabalik ang kanyang halik, pabalik-balik sa away-bati't pakikipagtalik, at bumabalik nang bumabalik sa taong may saltik. Pero kung tanga ako ay mas tanga ka, Alex. Tanga ka. 'Tang Ina ka!


BARGAINING, akala ko sa palengke ko lang 'to mararanasan. Hindi ko alam na aabot ako sa punto na ito na magmamakaawa ako sayo na magkabalikan tayo. PATHETIC. Ayos lang sa akin kung may kahati ako sa atensyon mo, sa oras mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo. Pagbibigyan na kita palagi sa mga gusto mong mangyari sa atin. Hindi na ako magrereklamo kung kapalit nito ay makasama ka. I would do anything and everything for your little affection.

Naaalala ko pa na nagsusumamo ako sa Panginoon na, bumalik ka lang sa akin ay buwan-buwan na akong gagawa ng mabuti sa ibang tao, linggo-linggo na akong magsisimba at araw-araw na akong magdadasal. Pero akala ko kapag ginawa ko yun magiging okay ang lahat at babalik sa dati. Pero mali ako, dahil hindi dapat ako makipag-deal sa Kanya ng dahil sayo. Hindi ko alam na nakakapagod din pala maghabol sa taong ayaw na man lang magpahabol. Puchang buhay to. Now, I am bargaining with myself, "Kaya ko na magsimula ulit! Magsisimula ulit ng buhay na hindi ka na kasama sa bawat umaga, sa bawat desisyon at pangarap, at hindi ka na kasama sa buhay ko. Kakayanin ko. Sinugal ko na nga pati ang pinaka-iingatan kong buhok para sa pag-asa na makakalimutan din kita. This short hair will be a reminder that it will be a fresh start. Mapapagod din akong umasa. Mapapagod din akong isipin ka. Mapapagod din akong mahalin ka.


DEPRESSION is an excruciating feeling. If you succumb on it, it will eat you whole and alive. Lagi ko na lang nakikita yung tao sa salamin na umiiyak, namamaga at namumugtong mga mata. Banaag din sa kanyang na itsura na siya ay nangangalumata, ang ilang linggong puyat sa di pagtulog at kakaisip, hindi niya na rin halos naisip na lumabas ng kwarto para kumain madalas ay tubig ang pahinga mula sa paghikbi at patuloy na pagkabasa ng kanyang paboritong unan.

Ang lagi kong tanong, "Kulang pa ba?", "Hindi pa ba ako sapat?", "May mali ba sa akin?". I feel hopeless. Hindi ko alam saan tutungo ang direksyon ng buhay ko ngayon. Lagi akong tulala, nakahiga habang nakatingin sa kawalan ng disenyo ng aming kisame. Ni ayaw ko ng pumasok sa office, dahil bawat sulok at bawat tagpo ay may alaala niya. Ayaw ko ng umiyak dahil hindi nauubos ang luha ko. Masakit. Hindi ko alam kung paano pa ako babangon mula sa pagkagising sa araw-araw na wala akong matinong tulog. SOBRANG SAKIT. Gusto ko na lang ito mawala. GUSTO KO na lang MAWALA. Gusto ko na lang mamatay itong nararamdaman ko. GUSTO KO na lang MAMATAY.


ACCEPTANCE. Once upon a time, I was hurt then I wake one day I'm feeling a bit okay. Lumipas ang buwan at taon nang hindi ko namamalayan. Gumising ako na mahimbing ang tulog. Magaan ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano nangyari, paano ko kinaya, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para makahakbang man lang kahit isa. Bigla ko na lang naramdaman, na OKAY na ako. Tanggap ko na. Tanggap ko na wala ka na sa buhay ko. Nagsimula na ulit akong tuparin ang sarili kong mga pangarap, mas nagkaroon ng lalim at kahulugan ang lahat ng pagkakakataon na dumadating sa akin, nagsimula ako bumuo ng bagong mundo kasama ang ibang tao. Kaya ko na rin tignan 'yung mga alaala ng ating nakaraan. Natanggap ko, kahit na naging masakit ang ating paghihiwalay, naging masalimuot ang ating relasyon ay mayroon din tayong mga masasayang alaala. At kung sakaling magtatagpo ang landas natin ay makakatitig ako sa'yo ng mata sa mata at may ngiti sa labi. Salamat. Salamat sa saya at lungkot na idinulot mo. Masaya na ako. Sana masaya ka na rin, Alex.