launchora_img

Mga Pagbabagong di ko na Mababago

Info

(Para sa mga taong na-take for granted natin; lalong lalo na yung mga magulang natin...)


Akala ko ang salitang nakakatakot ay

Yung bang may makikita kang multo sa tabi

Yung bang may tigre na bubulaga

Yung iiwan ka ng jowa mo


Yung ganun ba!

Pero hindi pala

Ang babaw ko pala

Mali pala


Akala ko ang salitang nakakatakot ay

Yung uuwi ka ng gabi tapos papagalitan ka

Yung bang nasa galaan ka tapos tawag sila ng tawag

Yung tuwing umaga, boses nila ang gumigising sayo


Yun pala hindi

Hindi pala yun ang nakakatakot

Mas nakakatakot pala ang uuwi ka ng gabi

Tapos wala ng naghihintayo sayo ng hating gabi


Mas nakakatakot pala yung di na sila tumatawag sayo

Mas nakakatakot pala yung wala ng nag-aalala sayo

Mas nakakatakot pala yung isang araw, alarm clock na lang ang gigising sayo

Mas nakakatakot pala yun


Naaalala ko pa nung ang saya saya ko

Ng madagdagan ng mga bagong kutsara at tinidor

Sa lamesa kung saan sabay pa tayong naghahapunan

Isang pamilyang buo, Isang pamilyang masaya


Hanggang sa unti unti rin itong nabawasan

Nag-aaral tayong mga anak

Habang nagtratrabaho ang ating mga magulang

Sino ba namang gaganahan kumain mag-isa?


Kung makapagsasalita ang lamesa’y malungkot ito

Pagkat saksi ito sa unti unti nating pagkahiwahiwalay

Isa na ito sa mga pagbabagong

Di ko na mababago


Sabi nila tamad daw ako dahil ayaw ko matuto

Matuto sa mga gawaing bahay

Tama nga naman, ayokong matuto

Pero di dahil sa tamad ako kaya ayoko ito


Ayokong matuto dahil alam kong kapag natuto ako

Iiwan mo na ako

At takot na takot akong maiwan

Pero ganun na nga, naiwan ako


Naniniwala ako sa kapre

Naniniwala ako sa dwende

O sabihin nating handa akong maniwala sa engkanto

Dahil kasabay nito’y naniniwala akong sana maibalik ka sa amin ina


Tuwing umaga sa pagmulat ng aking mga mata

Araw araw ay nais kong paniwalain ang sarili

Na sana ang mga pagbabagong ito’y panaginip lang

Sana panaginip lang ito


Tuwing umaga na lang bago ko imulat ang aking mga mata

Nais kong paniwalain ang sarili sa bawat araw

Na sana ang mga pagbabagong ito’y panaginip lang

Sana panagnip lang ito kung saan kumpleto tayo


Tuwing umaga, bago ko imulat ang aking mga mata

Ako ay umaasa kasabay ng pagbilang

Isa, dalawa, tatlo... sana nandito ka na ulit ina

Isa, dalawa, tatlo... asan ka na ma

Isa, dalawa, tatlo... ma


Sabay sabi sa sarili na, “gising na’

Ito na nga ata ang sinasabi nila

Mga pagbabago na di na mababago

Di ko na lolokohin ang aking sarili


Marami kong gustong ikwento sayo ma

Naaalala mo ba noong iniinda mo pa ang sakit

Magkwekwentuhan tayo hanggang sumikat na ang umaga

Para kahit saglit ay mawala ang sakit


Sana makapagkwentuhan ulit tayo ng ganun katagal

Marami na akong utang na kwento

Alam mo ba ma, matino na ulit grades ko

Alam mo ba ma, marunong na ako mgalaba


Ma, marunong na akong magluto ng totoong ulam

Di na puro prito at instant

Ma, marunong na din ako magplantsa

Itinuro mo ang lahat maliban sa paano mabuhay ng wala ka


Sabi nila may apat na buhay ang tao

At sa apat na buhay na iyon

Kahit isang libong taon pa ang bawat pagitan

Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ina


Alam ko na pagod ka na

Kaya sana ika’y makapagpahinga naman diyan

Ina, salamat sa lahat

Ma, mahal kita, pahinga ka na ha


Sana sa muli nating pagkikita

Dito man yan sa mundo o sa langit

Sana magkakilala tayo ulit ina

Mama, salamat sa lahat; paalam


(Para sa aking ina, Edwina Avendano Tadeo, Rest in Peace)



Be the first to recommend this story!
launchora_img
launchora_imgWyndalee Faith
6 years ago
You will never realize the importance of someone/something until it's gone. :(
Btw, first time to see a tagalog work aside from my entry. :)
Indeed. Yours was also the first tagalog entry I've read so far :) By the way, your works are great!
launchora_imgWyndalee Faith
6 years ago
Thank you. Btw, keep writing. :)
More stories by Crisanta ice cring
Soon

Will you wait for me?

10
Just an Average

Will you love an average person?

10
I Don't Read and I Don't Write

Let me tell you how I learned how to read and write

00

Stay connected to your stories

Mga Pagbabagong di ko na Mababago

38 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on January 06, 2018

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.