Are you sure you want to report this content?
Nakakatamad!
Nakakatamad na talaga!
Ayoko na talaga!
Hays.
Halata namang tinatamad na ako diba?
Kung sa bawat letrang isusulat ay wala namang nagiiba.
Mga bawat salita ay ikaw ang gustong ipakita
Hindi ka ba naiirita?
Kasi ako, naiirita na sa aking sarili
Kung ano ano nalang aking sinasabi
Puro ikaw naman ang lumalabas saking labi
Nakakapanglumo, at hindi ko 'to maitanggi.
Nakakatamad na magbasa
Kung sa bawat pahina ng libro ay muli akong nabibigyan ng pag-asa
Na sana'y ika'y muling bumalik
At salubungin ako ng halik.
Parang tanga,
Nagmukha na naman akong tanga.
Sa imahinasyon na ika'y masaya pa sa akin.
Hindi makaisip kung ano ang susundin.
Alin?
Alin ba ang susundin.
Ang puso ko na ikaw ang hanap
O ang isip ko na ikaw ang pangarap.
Limang minuto na pala akong nagsusulat
Pero puro ikaw ang naiuungkat
Ang sabi ko, tinatamad na ako.
Pero bakit ang haba na ng naisulat ko.
Wala namang kwenta 'to.
Itigil na natin 'to.
Ay, ako nalang pala ang titigil.
Kasi matagal mo na akong tinigilan.
Nakakasawa..
Sa araw araw ay wala akong ginawa,
Kundi sayo ay magmakaawa.
Halos magmukha na akong timawa.
Nakakatamad na..
Di ko na alam kung paano tatapusin to.
Gulong gulo na naman ako.
Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na.
Pero bakit yung puso ko, gumugusto pa.
Tama na.. ayaw ko na.
Palayain mo na 'ko.
Ay este, gusto na sumuko.
Nakakatamad na.
Nakakatamad ng sumuko.
Nakakatamad ng sa sarili ay magpaloko.
Tama na.. ayoko na.
49 Launches
Part of the Life collection
Published on February 19, 2018
(4)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.