Launchorasince 2014
← Stories

Nasa Gitna

Paano ba hahanapin ang sarili
Pabalik sa umpisa
Kung ang laging nasa isip
Ay paano ba tayo magsisimula

Akala ko ba
Handa ka na
Akala ko ba
Pagod ka nang
Magsayang sa wala

Pero bakit hanggang ngayon
Hanggang dito
Di tayo magkaayon
Paano ba itatama ang mga mali
Haharap ba o tatalikod
Lalayo ba o mananatili

Paano ba ang umasa
Habang ikay binibitawan
Kaya bang maghintay
Kung parang di naman ako kailangan

Ano ba kasi ang gusto mo
Kaya mo bang lumayo
Kaya ko bang sumuko

Akala ko ba
Handa ka na
Akala ko ba
Pagod ka nang
Magsayang sa wala

Gulong-gulo
Litong-lito
Saan ba ako lulugar?
O may patutunguhan pa ba to?
Nasa gitna ng sarili at
Sa kung ano ang gusto
Saan ba ang espasyong
Inilaan mo?
Kasi akala ko handa ka na
Ngayong handa na ako..

Pero bakit hanggang ngayon
Hanggang dito
Di tayo magkaayon
Paano ba itatama ang mga mali
Haharap ba o tatalikod
Lalayo ba o mananatili

Paano hahanapin ang sarili
Pabalik sa umpisa
Kung ang laging tanong sa sarili
Tatapusin na ba bago pa magsimula