Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Maari ba akong magsabi ng tunay kong nadarama?
Hindi na kayang ipagkaila at ibaon lamang sa katahimikan
Hinihintay kita ngunit di ko alam kung may hinihintay ka ring iba.
Minsan napapaisip ako kung gaano ba kadaming pagmamahal ang meron ako
At nabubuhos lamang ito; nais mang ipasalo sa'yo ngunit paano kung 'di ito ang nais mo?
Ang pagmamahal ko ay walang pag-aalinlangan, sadyang ang puso lamang
ay tanging nangangambang ito ang maging dahilan ng iyong paglisan.
Pagod narin akong maglahad ng paligoy ligoy na salita :(
Di na ako natutuwa sa sarili kong ikaw nalang palagi ang inaalala
Andaming pakulo na dinadaan sa liriko ng kanta, kataga at mga tula
Pero duwag parin ang puso na sabihing MAHAL KITA :(
Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.
- At muli na namang bubulong sa mga tala. Umaasang makamtan ang lakas ng loob upang mausal ang mga salita.
15 Launches
Part of the Poetry collection
Published on August 14, 2023
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.