Mahal mo siya, mahal ka niya.
Mahal ninyo ang isa't-isa.
Pero paano naman tayong dalawa?
Mananatili na lang na walang-wala?
Wala na siguro talagang pag-asa
Sapagkat iniwan mo akong nakanganga!
Hindi ka lang isang paasa
Isa ka ring mang-iiwan sa tala.
Mga pinagsamahan natin, para saan pa?
Kung maglalaho ka na lang na parang bula!
Isa ka talagang paasa
At ako namang si tanga,
Patuloy paring umaasa.
Mga pangako mong hindi mo ginawa,
Hanggang ngayon, ako'y naghihintay sa wala!
Wala ka ng ibang ginawa,
kundi durugin ang puso kong durog na durog na!
Isa ka talagang tunay na paasa
At ako namang si tanga,
Patuloy paring umaasa!
Mahal parin kita,
Kahit ang sakit sakit na.
Pero kung sakanya ka liligaya,
Handa akong pakawalan ka.
Ako naman ang may sala,
Mga salita mo'y binigyan ko ng halaga.
Kahit alam ko naman na ang mahal mo ay siya.
Pero isa ka paring paasa,
At ako namang si tanga,
Patuloy paring umaasa!
Pero masarap talagang umasa,
Lalo na't ito'y lasang tanga!
Walangya, nakakasawa na!
Ngayon eto ako, nganga.
Namimiss ko ang iyong presensiya!
Ikaw kasi eh, P A A S A !!!