Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Iyong pinaparamdam niya sa'yo na espesyal ka,
Iyong bawat message mo ay sinasagot niya,
Iyong sasabihin niya na masaya siya kasi kasama ka,
Ang tanong hanggang kailan tatagal ang pinapakita niya?
Minsan ba naisip niya na umaasa ka?
Umaasa ka dahil ipinapakita niya,
Tapos naisipan mong magtapat sa kaniya,
Na mahal mo na talaga siya.
Wala siyang isinagot kundi katahimikan,
Ikaw naman ay naglalaro ng hula-hulaan,
Pero sa huli ang kinalabasan,
Ikaw pala ay magiging luhaan.
Bakit may mga taong paasa?
Dahil ba alam nila na ikaw ay umaasa?
Sana naman sinabi na nila sa simula pa lang,
Wala silang balak na suklian ang iyong nararamdaman.
May pasabi-sabi pang 'espesyal ka sa akin',
May padate-date pang nalalaman,
Sa totoo lang ang sarap niyang sampalin,
Nang minsan naman siya'y matauhan.
Kung saan asang-asa ka na,
Doon naman lahat mawawala,
Umasa ka na nga,
Ang ending napahiya ka pa.
Sa mga paasa diyan sa tabi-tabi lang,
Umayos kayo kapag ako'y dumaan,
Mga feeling gwapo ang mga gago,
Lalaki pa ng mga ulo.
22 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on August 18, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.