Launchorasince 2014
← Stories

Pagkukunwari

Para sa mga taong nasaktan,
Sa mga taong umasa at iniwan.
Para sa lahat na may pusong wasak,
Paalam sa hapdi ng lumipas.

Para sa mga taong niloko.
Sa mga taong nagloko rin at nanggago.
Sa lahat ng makasalanang tulad ko,
Isang pagpupugay po sainyo.

Para sa mga pinipilit magbago,
Sa lahat ng naghihirap lumimot sa madilim na yugto
Ng nakaraang nais nating itago
Para sating lahat to.

Wag tayong magpanggap na malinis.
Wag tayong umastang walang bahid ng dumi ang ating paligid.
Iniwan man tayo o tayo ang nang iwan
Isa lang talaga ang tunay na dahilan.

Gumawa tayo ng kasalanan.
Maliit man o malaki yan
Tayo ang dahilan
Kung bakit tayo nahihirapan

Wag mong sabihing ikaw ang biktima
Sa laro ng buhay lahat tayo may sala
Sa laro ng tadhana lahat tayo may pagkukulang
Sa laro ng mundo lahat tayo ay talunan.

Ang buhay ay parang bula
Maglalarong parang himala
Hindi mo mapapansin
Naubusan kana pala ng hangin.