launchora_img

Paglalakbay.

Info

Sa gitna ng aking paglalakbay,
Natagpuan ko ang aking sariling naka upo sa ilalim ng itim na kalangitan.

Kasainungalingan.

Kasakiman.

Kamatayan.

Lumipat ang aking tingin sa berdeng damong nakalatag di kalayuan sa aking kinauupuan.

Buhay.

Katotohanan.

Kalinisan
.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Paano niya nalaman na ang itim ay sumisimbolo sa kamatayan?
Paano niya nalamang ang kulay na iyon ang nababagay sa isang katapusan?

Kasabay ng pagragasa ng mga katanungan sa aking isipan ay ang pagtalikod ko sa liwanag na minsan ko nang nakagisnan.

At kasabay ng paglukob ng kadiliman sa aking buhay ay siya rin ang pag kislap ng liwanag na natatanaw ko di kalayuan.

Isang hudyat na siya’y naghihintay sa muli kong pagbabalik.

Isang tanda, na talikdan man siya ng kaniyang nilikha, mananatili pa rin ang pagkislap niya at ang pagtanggap sa mga mumunting nilalang na minsan nang tumalikod sa kaniya.

Sa bawat gabi, mga patak ng luha ang tanda ng pait, sakit at poot ng lahat ng pagsubok.
Mga hikbi na kailanma’y hindi maririnig ng kahit na sino.
Impit na iyak na nagmumula sa isang nilalang na ngayo’y unti unti nang nawawasak.

Sa likod ng mga haliging aking kinalalagyan, naroroon siya’t nakikinig.

Sa mga araw ng aking pag iisa, naroroon siya’t nagmamasid, naghihintay ng aking pagbabalik.

Sa bawat araw na nagdaan, ilang beses ko na ba siyang pinag dudahan?

Ilang beses ko ba siyang sinisi sa buhay na kaniyang ibinigay?

Ilang beses ko na bang hiniling, na sana’y hindi na lamang ako nabuhay?

Muli kong iminulat ang aking mga mata kasabay non ang mga kulay na unti unti ko nang nakikita.

Ang itim na kalangita’y unti unti nang napalitan ng asul at dilaw. Ang simbolo ng bagong yugto ng buhay.

Muli kong tinignan ang mga damong kulay berde. Simbolo ng kkatotohanan.

Humakbang ako patungo sa liwanag na matagal ng kumikislap.

Bakit ko nga ba pinagdudahan? Gayong sa kaniya galing ang aking buhay?

Bakit ko pinakawalan ang pag ibig niyang walang kapantay? Gayong sa kaniya ko lang naman iyon nararamdaman?

Sa mga kulay na aking nakita, mas napagtanto ko kung gaano siya kadakila.

Ang mga kulay na nasa tamang lalagyan. Ang mga kulay na may lihim na kahulugan.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at muling tinanggap ang tulad kong nilalang.

Binalot muli ng itim ang kapaligiran. Nawala ang mga kulay na kanina’y aking kina aaliwan.

Sa pagkakataong ito, sigurado akong hindi na ako muli pang mawawala.

Ang kaniyang liwanag na minsan ko ng tinalikuran ang siyang magiging gabay ko sa pagharap sa aking kinabukasan.


3 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgLetra Ko
6 years ago
ang ganda nang pagkakasulat.
More stories by Ally
Tunay na pag-ibig

Tinig ng pusong nabigo, at ng pusong handang maghintay.

00
Loving Father

An open letter for Him

21
I'm sorry

Hardest word to be said

00

Stay connected to your stories

Paglalakbay.

85 Launches

Part of the Something Else collection

Updated on August 02, 2017

Recommended By

(3)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.