[Paalala: RANT. Bawal matriggered.]
Bawat paggising ko ay bigat ng katawan ang nararamdaman ko. Dahil nagpuyat na naman ako. Walang katapusang paggawa ng mga asignatura, group reports, performance tasks, role plays, at kung anu-ano pa na parang basta na lamang pinatong sa likod ko.
Oo, sabihin nating normal lang ito sa nag-aaral, pero sa kaso ko, sa kaso ng klase namin---parang napasobra naman ata?
Parang nawawalan tuloy ako ng ganang makinig sa mga titser ko dahil iniisip ko ang presentasyong gagawin sa susunod na subject. Binigyan lamang ng ilang araw, nag-cram na dahil may dapat maunang tapusin na gawain. Tambak tambak. Para ngang wala akong natatapos na gawain dahil kada tsek ko sa planner ko sa mga aktibidad na tapos ko na, bigla namang madagdagan ng doble o triple pa. Tapos yung mga aktibidad na iyon ay hindi pa in-line sa kursong gusto kong tahakin sa kolehiyo.
Hay. Si senior school life nakakapagod. Parang bibigay na ang katawan ko dahil sa mga performance tasks na iyan.
Wala namang mapiga sa utak ko. Alam nyo iyon? Pigang-piga na nga ay pipigain pa. Wala na akong mapiga.
Natutulala na nga ako sa classroom, kahit na nakaharap sa laptop para gawin ang mga asignatura ko. Lumilipad na ng madalas ang utak ko.
Gusto ko sanang ma-enjoy ang buhay ko sa eskuwelahan. Pero para namang hindi ko nararamdaman? Masyado na ba akong naiistress sa mga ganitong bagay? Alam kong lahat tayo ay nakakaramdam ng pagod dahil araw-araw tayong kumikilos at nagtatrabaho ngunit sana sa pagkakataong ito ay maintindihan ako ng mga taong nasa paligid ko. Kahit saglit lang. Bigyan nyo naman kami ng break. Give me a break. Makahinga lang.