Launchorasince 2014
← Stories

Pagod ka na ba?

Pagod ka na ba?

Na ipagsisikan ang sarili mo sa iba

Pagod ka na ba?

Na unahin ang iba bago ang sarili mo

Pagod ka na ba?

Na humanap ng kaligayahan sa ibang tao

Pagod ka na ba?

Kung oo, andito lang ako.

Kung pagod ka na ayos lang na sumuko.

Ayos lang na maging mahina kahit sandali.

Ayos lang na ilabas ang lahat ng sakit at hayaang maubos ang luhang matagal na naipon sa ilalim ng 'yong mga mata.

Ayos lang na makita ng mga tao ang mukha sa likod ng maskarang araw-araw mong isinusuot para mapakitang ikaw ay malakas.

Ayos lang.

Magiging ayos din ang lahat.

Dahil sa kabila ng bawat ngiting unti-unting napupudpod, ay ang pagsibol ng bagong ikaw at panibagong liwanag na matatanaw sa iyong mukha.