Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Nasapo ang mukha
Isang patak ng ulan
na mistulang luha
Bababa ang mga talukap
ng bintanang inaantok
susundan ng higit pa
mga butil nanununtok
Isa...dalawa...tatlo...
apat...
lima.
Ang patak ay umulan
Ang ulan ay bumagyo
Ang bagyo ay delubyong
sisira sa mundo mo,
Ang baba'y uupo sa dalawang palad
at tutukod mga sikong
kailanmay naninisi
Sa mga ulap na kakulay
ng kilay mong magkatagpo
gawa ng isip na alipin ng tagpi-tagping puso
Dumidilim ang paligid
ng mundo mong sumisikip
apat na sulok ng 'yong silid
at liwanag di masilip
Ang yong kamay naka-yapos
sa unan mong umaagos
Tao ka rin at sa baha
ay maaaring malunod
ngunit tao di'y lumalangoy
ba't sa agos di sumunod?
Buksan mo lang ang bintana
Tiyak ulan ay titila
Langit ay mababalot
ng walong kulay na mahiwaga
at kapalit ay pag-sibol
ng gandang di inakala...
ngunit hayaan mong bumalik
Ang panahong mapanakit
dahil dito naiibsan
Ang damdaming nauuhaw
mahalaga natuto ka
ng mundo mo'y di magunaw.
32 Launches
Part of the Poetry collection
Published on February 08, 2022
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.