Di mo man ibuka ang iyong labi
Mahal batid ko na
Mga salitang di mo man masabi
Pero sa mukha ko'y sinampal na
Ang matatalas na sugat ng hindi mo pagkibo
Sa bawat tanong ko kung kailan kayo hihinto
Pagod ng lumuha ang aking mga mata
Maglakbay sa lupang minsan nating tinahak ng magkasama
Nanghihina na ang aking mga tuhod
Sumusuko na silang maghanap ng paglimot
Lumipad ka palayo
Dala ang aking pakpak
Lumaya ka sa akin
Upang ikulong ako sayong palad
Ngunit kakayanin ko
Dahil mahal kita
Pagkat ngayon lamang ito,
Pansamantanga.