Are you sure you want to report this content?
Mahal, hawakan mo muli ang pawisan kong mga kamay patungo sa ilalim ng ating puno kung san ka lumuhod at pinangakong susungkitin ang mga nagbabagang bituin
kung san tayo umindayog sa ihip ng hangin na para bang may musikang dapat sundin.
Mahal, halikan mo muli ang aking mga labi na para bang ako lamang ang babaeng iyong ninais makasama habambuhay na para bang mga lasa lamang ng pinagsama nating laway ang nagbibigay buhay sayo.
Mahal, yakapin mo ko muli at tulungan mo kong buuin ang aking sarili sapagkat ikaw lamang ang pinagkakatiwalaan kong magtatagpi tagpi sa pagkatao kong walang pagkaka kilanlan, na tila ikaw ang nawawalang pirasong bubuo sa buhay ko.
Mahal, muli mong sambitin ang mga salitang naglapit sakin sa mundo mo, bigkasin mo ito ng malakas, isigaw mo to at bingihin mo ang aking mga tainga sa nag uumapaw mong pagmamahal para sakin.
Mahal, sabihin mo kung babalik ka pa. Nandito lang naman ako, sumusunod na parang anino, naghihintay na muli kong madama ang init ng yong mga bisig noong gabing hindi ko kinaya ang bulungan ng tao sa paligid ko.
Mahal, babalik ka pa ba? Sumulat ka manlang upang hindi ko tintitigan ang mga alaalang iniwan mo sa likod ng bawat pintong nilabasan mo. Sumulat ka sapagkat kailangan ko ng sagot, kailangan ko ng eksplenasyon, kailangan kita, kailangan kong malaman ang daang pabalik sa mundong kinasanayan ko.
"Stop borrowing flowers out of my garden to woo people who don't even treat you right." (part 1)
00107 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on May 22, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.