Are you sure you want to report this content?
Sa tuwing kailangan mong unawain ang pinakamaliit na detalye ng isang bagay, kung bakit at paano ka nito naaapektuhan, hihiling ka na sana... sana kahit tingnan mo man ito sa iba pang anggulo, manatili ka pa ring positibo.
Batid ko na marami kang nais sabihin sa iilan. Ika mo ay may giyerang matagal nang naghahari sa'yong isipan; walang kapaguran at para bang 'di ka gugustuhing iwan.
Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. Hindi ka man makabuo ng mga eksaktong dahilan, mariin kong babanggitin na normal lamang itong maranasan.
Normal na hindi agad lubusang matanggap ang isang bagay na patuloy pa ring nagdudulot ng sakit sa'yo, kaibigan. Normal makaramdam na para kang iginapos sa isang tanikala at ayaw ka nang pakawalan.
Dahil buhay ka! Buhay ang iyong pagkatao kaya't nakararamdam ka ng ganito. At patuloy kang bumabawi sa bawat araw na dumaraan, hindi para kanino, kung hindi para sa'yo.
Iyong tandaan na balang araw, sa pagbabalik-tanaw mo sa naturang yugto, baon mo ay samu't saring kuwento na hindi matutumbasan ng anumang sentimo.
"PARA SA GIYERANG PILIT MONG NILALABANAN"
05|25|19
–
Hindi ko alam kung paano ko mai-re-relate 'yung tula sa larawang ito na ako rin mismo ang kumuha (I'm not here to brag but to inspire everyone lmao). Ngunit gaya ng paglubog ng araw, may hangganan ang lahat. Kung sa tingin mong nahihirapan ka ngayon, gagaan 'yan nang hindi mo namamalayan. At gaya rin ng paglubog ng araw, mananatili pa rin ang natural na ganda nito at ipaaalam sa'yo na hindi lahat ng pagtatapos, ay dapat maging malungkot.
50 Launches
Part of the Life collection
Updated on April 02, 2020
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.