Are you sure you want to report this content?
Pursigido akong mapapayag siya upang makasama ka
At nang mapagbigyan, hindi na makapaghintay
Sabik na akong makapiling ka kaya
handa na ako sa kung anong mangyayari,
kahit alam kong iiyak ako gabi-gabi
Dumating na ang takdang oras,
hindi ko na mapigilan
ang emosyong nag-uumapaw
Sa wakas, hindi na lang kita abot-tanaw
Palagi na kitang masisilayan
at wari ko'y hindi na kita kaya pang bitawan
Sa pagdaan ng mga araw,
ikaw ang sandigan,
sa mga bagay na imposible, ikaw ang naging daan
Sinta, tinuruan mo akong magpatuloy kahit napapagod,
magsaya kahit lumuluha
at matutong ipaglaban kung ano ang tama
Aminado akong hindi lahat ay matatanggap ka
dahil tulad ng iba,
mayroon ka ring mga pagkukulang na nakalilimutang punan;
mga bagay na tila ba naging normal na
at hindi na sinikap na baguhin sa simula pa lang.
Minahal kita sa kabila nang lahat ng 'yong kapintasan
At patuloy kitang mamahalin sa'yong mga tagumpay
Hinulma mo ang aking pagkatao;
tuluyang binuwag ang mga maling prinsipyo
Kung sakali mang magkakahiwalay na tayo,
tandaan na ang mga alaalang pinagsaluhan
ay mananatiling nakaukit sa aking puso
maging sa aking isipan
Lilisanin ko man ang naturang parte ng buhay na kasama ka, hindi kita kalilimutan.
34 Launches
Part of the Society collection
Updated on March 23, 2019
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.