Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Para sayo ito.
Para sa 'yo na marami nang beses nadapa,
pero ilang beses na ring tumayo at sinabing "Kaya pa"
Para sa 'yo na gabi gabing natutulog na may mga luha ang unan niya,
pero gumigising sa umaga na may ngiti sa mata.
Para sa 'yo na ginagawang biro ng mga tao ang pinagdadaanan mo.
Para sa 'yo na napagsabihan na ng mapanghusgang lipunan ng masasakit na salita.
Para sa'yo na iniisip kung may halaga ka nga ba sa mundong ito.
Para sa'yo na kailangang magpanggap na matapang dahil wala rin namang may pake kapag mahina ka.
Para sa 'yo na lumalaban pa.
Pakiusap, LUMABAN KA PA.
Maaaring madilim pa ngayon ang nilalakaran mo, pero pakiusap, ipagpatuloy mo lang ang paglalakad..
Sa dulo neto, may naghihintay na liwanag. May naghihintay na pag asa. May dahilan para ngumiti pa.
Gusto kong yakapin ka upang maramdaman mong hindi ka nag iisa.
Hindi ko malalaman kung anong eksaktong sakit ang nadarama mo, pero nais kong malaman mong handa akong umiyak kasama mo.
At handa rin akong samahan ka hanggang sa matutunan mo nang ngumiti,
Ngumiti dahil sa totoong kasiyahan.
Tandaan mong ayos lang yan. Ang maging malungkot. Ang umiyak. Ang gustuhing mapag isa.
Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Na kesyo "Ang drama mo" "Ang OA mo"
Yan ang nararamdaman mo. Hayaan mo lang.
Pero nais ko ring tumayo ka ulit pagkatapos mong umiyak. Lumaban ka. Napakaraming rason para ngumiti ulit. Gusto kong malaman mong "Napakalaki ng halaga mo sa mundong ito."
Para sayo ito. Alam kong napakabigat na ng puso mo. Iiyak mo lang lahat, para gumaan.
Tapos bangon tayo ulit. :)
60 Launches
Part of the Life collection
Updated on September 24, 2018
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.