launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Pasensya

Info

Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan
Dahil una sa lahat, ito ang aking kauna unahang tula
Na ibabato ko sa harap ng madaming tao
Na nagpapatungkol sa iyo

Sa unang tingin ikaw ay misteryoso
Ni hindi umiimik, hindi kumikibo
Ang kuryosidad ko ay tumaas at biglang nais kang makausap
Habang lumalapit sa iyo, ako ay bumubulong "Lord sana wag niya akong iisnob"

Pero napahinto ako at bumalik na lang sa aking upuan
Hindi ko kinaya ang atmosphere at bigla akong inatake ng kahihiyan
Dahil bigla kang lumingon sa akin habang ako ay papalapit
Naramdaman ko ang tyan ko na biglang pumilipit

Ngunit hindi nagtagal ang hiling ko ay biglang nakamit
At hindi ko inaasahan na ikaw pa ang unang lalapit
Sa sobrang saya ko, ako ay napakapit
Sa posteng nakatayo malapit sa akin

Hindi nagtagal tayo ay naging magkaibigan
Palaging magkasama at nagkwekwentuhan
Pero pasensya ka na, masyado ata akong nadala
Nahulog na ako, pasensya na tanga lang

Ngayon alam kong umiiwas ka na
Pero pasensya sa aking nagawa
Sinubukan kong di na isipin ang aking nararamdaman
Para maipagpatuloy ang ating pagkakaibigan

Pasensya na kung nilagyan ko ng malisya ang mga pagtingin mo sa akin
Pasensya na kung nilagyan ko ng malisya ang bawat pag uusap natin
Pasensya na kung nilagyan ko nv malisya ang bawat oras ng pagsasama natin
Pero wag kang mag alala, iyon ay akin nang lilimutin

Maisalba laman ang pagkakaibigan natin
Lahat kaya kong gawin
At alam kong di tanggap sa lipunan ang aking damdamin
Kaya nga ito ay akin ng lilimutin, aking pipilitin

Pero Lisa gusto kong humingi ng tawad
Ang mahulog sa iyo ay hindi ko sinasadya
Wag kang mag alala, ako ay didistansya muna
Upang malimutan ang aking maling nararamdaman.


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Futaba
Malabo

Malabong Ugnayan

20

Stay connected to your stories

Pasensya

30 Launches

Part of the Love collection

Updated on July 16, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.