'Pag ang araw ay makalimot sa kaniyang
pagsikat
At ang mga dahon a tutuyo ng biglaan
Ang mga tala ba at ang buwan ay
magniningning pa rin?
Kung ang pagdaramdam na'to'y nandito
lamang sa akin?
Ikalawa ng Hunyo sa taong dalawampu't
labing-apat
Ang mga pisnging iyon ay una kong
napagmasdan
Kasabay ng pagdilat ng mga mata'y tamis
na ngiti
Na tila kukunin ang dibdib ko't mga labi
Paglipas ng mga araw ay nagkasunduan
Ng dahil sa isang laro ay natutong
magharutan
'Di inaasahang magkaganito ng biglaan
Magagandang alaala sa loob ng isang
buwan
Tatlong taon ang dumaan ay matamis pa rin
Mga segundo't oras na pagsasama natin
Pagmamahalan na ito ay sapat na sa akin
Kahit walang tatak o "label" ay tuloy pa rin
Ikaw ang naging liwanag sa madilim kong
mundo
Nagniningning at umaapaw sa kagandahan
mo
Bumabati sa umaga pagdating sa eskwela
Namamaalam tuwung uwwi, kahit 'di naman
tayo
Pagkatapos ang ilang taon na pag-aaral
Ika'y nagpakalayo't sa Maynila nagpatuloy
Sa Senior High School sa lugar ng Antipolo
Namamaalam ka na naman, hindi parin tayo