Naaalala mo ang lahat ng ating nakaraan
OO. Lahat ng yun, naaalala mo pa
Hanggang ngayon hindi mo parin magawang malimutan
Kahit ang masasakit na parte ay lagi mo paring iniiyakan
Naaalala mo pa ang una nating pagkikita
Sa mga kaibigang kaparehong kapareho pala nating dalawa
Doon.
Doon tayo nagkakilala
At doon
Doon mo unang hinawakan ang aking mga kamay
Na para bang ayaw mo nang bitawan dahil ramdam mo
Ramdam mo ang kuryenteng nagkokonekta sa pusong nating nag-iiba iba
At doon mo rin ako unang tinitigan sa mga mata
Habang tinatanong mo ang pangalan ko dahil sabi mo
Ako ang unang babaeng bumihag sa puso nang isang babaero"
Naaalala mo pa ang mga panahon nung tinutukso palang tayo ng barkada
At sa akin ay umiiwas ka pa dahil takot ka
Takot ka, na baka sa unang beses ng buhay mo ay magseseryoso ka
Sa babaeng hindi mo type, sa babaeng ayaw mong paglaruan
Ngunit naaalala mo rin ang mga sandaling binigkas mo sa akin ang mga salitang "Mahal Kita!"
"Mahal kita! Sa wakas nasabi ko na! Dahil hindi ko na kaya.
Hindi ko na kaya na makita kang may kasamang iba
Hindi ko na kaya na makitang may nagpapangiti sayong iba
Hindi ko na kaya na makita ang sarili ko na hindi makalapit sayo
Kahit ang totoo ay gustong gusto ko
Gustong gusto ko na mayakap ka
Gustong gusto ko na makausap ka
Gustong gusto ko na makasama ka
Gustong gusto ko na angkinin ang mga labi mo
Dahil gustong gusto ko na maging akin ka"
Naaalala mo rin diba kung ano ang naging sagot ko sayo?
Ang sabi ko,"Bakit ngayon lang?
Bakit ngayon mo lang inamin sa akin ang mga bagay na yan?
Bakit ngayon mo sinasabi sa akin yan? Bakit?!"
At ang sagot mo?
"Dahil natakot ako!
Natakot ako na baka magustuhan pa kita lalo
Natakot ako na baka pag naging ka, ay hindi na titigil sa pagtibok ang puso ko
Natakot ako na baka buhayin mo ang puso ko
Dahil buong buhay ko, wala akong ginawa
Wala akong ginawa kundi ang manakit ng mga katulad mo
Wala akong ginawa kundi ang pumatay ng pusong nagmamahal lang ng tama
At ngayon ay wala akong ginawa at wala ka rin namang ginawa ngunit bakit pagdating sayo sa akin ay ang lakas ng tama!
Kaya ngayon ay nasasaktan ka
Nasasaktan ka at talagang kasalan ko pa
Pero teka
Kasalan ko nga ba?
Kasalanan ko ba na nagpakatorpe ka?
Kasalanan ko ba niloko mo ang puso mo sinta dahil ang sabi mo hindi ako
Hindi ako at hindi tayo ang pinangarap mo sa buhay mo
Kasalan ko ba na nung tinanong kita kung mahal mo ba ako dahil mahal na mahal kita
Ay sinagot mo akong "Hindi ah. Magkaibigan tayo. Nakalimutan mo ba?"
Kasalanan ko ba na nung mga panahong pinaglalaban ko ang pag-ibig ko sayo
Ay wala kang ginawa kundi ang itulak ako palayo at ireto sa barkada mo
Sa barkada mo na ex ko na ex bestfriend mo na ex ng pinakilala mong girlfriend mo?
Kasalanan ko ba na napagod ako?
Napagod ako nang kahihintay sayo.
Dahil kung kasalanan ko na umiiyak ka ngayon at humihingi ng pangalawang pagkakataon,
Ako na
Ako na ang mali
Ako na ang tanga
Ako na ang nagpalaya
Ako na ang lumayo
Ako ng nagwasak sayo
At sa puso mong nagmamahal pala ng seryoso
Ako na
Ako na ang lumisang gago
Ang lumisan dahil hindi ko kayang manatiling kaibigan mo
Ang lumisan dahil hindi ko maintindihan ang pinapakita mo
Dahil iba ang nararamdaman ko sa pinagsasabi mo
At kahit lumaban ako
Ay moontanga ang labas ko
Moontanga ang labas ko
Dahil ikaw mismo
Ika mismo, hindi magawang aminin sa sarili mo na walangya!
“Walangya! Nahulog na ako sa babaeng ‘to.”
Dahil hindi ko kayang sumugal
Hindi ko kayang sumugal sa taong hindi rin naman sumusugal
Ikaw lang ba ang nasaktan?
Ikaw lang ba ang nasugatan?
Naisip mo ba ni minsan,
Ni minsan kung gaano kahirap ang lumisan
Lumisan sa sitwasyong hindi mo maintindihan
Lumisan sa isang malabong pagmamahalan
Lumisan sa isang tao na hindi ka kayang ipaglaban
Lumisan sa isang taong iwan mo man ay nananatili parin sayong puso at isipan?
Sa mga tanong mo kung bakit ako lumisan?
Sana nilinaw mo ang iyong nararamdaman
Nang di ako naghihintay sa kawalan
At umaasa sa isang imposibleng pagmamahalan
Bakit kita nilisan?
Sana nakita mo ang halaga ko bago mo ako pinagtabuyan
Sana nakita mo ang halaga ko nung ikaw pa ang aking iniiyakan
Sapagkat sa paglisan ko’y tila isang kamatayan
Isang kamatayan ang hinarap ko ng mag-isa hanggang tuluyan
Hanggang tuluyan ang puso ko’y napagod sa mga luha at sakit at galit na wala rin namang pinupuntahan
Hanggang tuluyan
Hanggang tuluyan na kitang nakalimutan
Sa taong aking tuluyang iniwan
Sana malaman mong hindi ikaw
Hindi ikaw ang taong unang nasaktan
Nasaktan ng pag-ibig na walang kasiguruhan
At sana sa susunod mong kwento ng pagmamahalan
Matutunan mo na siyang ipaglaban
Ipaglaban sa ngalan ng pag-ibig na inyong sinumpaan
Nang di na maulit ang masakit nating nakaraan
Mabuhay ka na sana sa kasalukuyan
At tuluyang matanggap na tapos na
Tinapos ko na ang ating nakaraan
At iniwan ko na sa libro ng mga nasayang na luha
Sa lahat ng nasasaktan
At sa lahat ng nakakulong pa sa nakaraan
Hayaan mo ang sarili mong makinig sa taong nang-iwan
Palayain mo ang sarili mo sa lahat ng galit na walang pinatutunguhan
Sapagka't sa bawat tanong natin sa impyerno ng ating nakaraan
Ay nasasagot sa araw ng ating kalayaan
Iiyak mo ang hapdi ngunit isipin mong hindi lang ikaw ang nahihirapan
Maging matapang kang basahin ang liham na sagot ng taong lumisan...