Sana noong nagkabanggaan tayo ay lumihis ako
Sana noong unang nagtama ang mga mata natin ay umiwas na ako
Sana noong inalok mo ang kamay mo ay tumanggi ako
Sana noong humingi ka ng pasensya ay tinanggap ko
Sana noong tinawag mo ang pangalan ko ay lumingon ako
Sana noong hinabol mo ako ay huminto ako
Sana noong nagsalita ka ay nakinig ako
Sana noong nagpaliwanag ka ay naniwala ako
Sana noong malinaw pa ang lahat ay naintindihan ko
Sana habang maaga pa ay naniwala na ako
Sana noong sinabi mong mahal mo ako....
Sana sinabi kong, 'oo mahal din kita irog ko.'
Sana noong tinalikuran mo ko ay pinigilan kita
Sana... Sana ginawa ko ang lahat para manatili ka
Sana noong nasa piling kita ay pinahalagahan na kita
Edi sana hindi ka masaya sa piling ng iba.