launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Sana

Info

*Read this tapos pakinggan ang Kanlungan na kanta.*

Mama at Papa, naalala ko nong akoy sanggol palang. Ako'y isang batang walang alam. Ngayong ako'y lumaki na sana..........

Ma, pa, sana bata nalng ulit ako, sana sanggol nlng ulit ako.
Ma sana karga2 niyo parin ako ni papa hanggang ngayon.
Sana iyakin parin ako gaya noon. Na kahit iyakin, iyakin lang kapag nadadapa, napapalo, napapagalitan at napapaaway.
Ma sana naging bata nalang ako. Na kahit napapagalitan niyo o napapalo iiyak at lalambingin parin ninyo.
Ma sana alam ko ang mundo noon pa, di sana wala na akong balak pang maging matanda at lumaki pa.
Pa, sana inaaliw nalang ninyo ako lagi, upang maging masaya ako kahit di ngumingiti.

Sana  bata parin ako. Upang mas tumagal pa ang samahan natin.
Ma , pa miss ko na ang dati. Yong walang sakit na nararamdamn dahil sa realidad, yong walang sakit sa pusong nararamdaman sa bawat takbo ng oras, yong sugat sa pagkakadapa lang ang masakit, yong palo niyo lang ang masakit at sana yong mga pagkakataong yun eh bumalik.

Ma, pa miss na miss ko na yong dating buhay ko, yong payapa at malaya.
Na kahit isip bata, mananatili lang ang bagay na gusto kong di mawala.
Ang manatili sa inyong tabi hanggang sa mawala.
Ma pa ayokong mawala kayo, kayo yong mga taong totoo.
Ma pa salamat sapag iintindi, salamat sa mga panahong inalay ninyo sa akin.
Sa mga pag titiis nong akoy sanggol pa lamang, ngunit sana maulit yong mga panahong  inaawitan ninyo ako hanggang sa akoy makatulog, dinuduyan.
Ma, pa sana hindi nalang ako lumaki, sana nanatili nlng ako sa inyong tabi.
Sana diko narasan ang pait at pighatghati na dala ng paglaki kong ubod ng sakit.
Ma, pa pwede po bang humiling? Na sana ako'y inyong muling kupkopin.
Kahit maraming bawal ay kaya kong yakapin makabalik lang sa buhay kong walang ibang aalalahanin.
Ma, pa sana hindi ko naramdaman ang sakit, ang sakit na dala nang pagmamahal na kay lupit.
Ma, pa nagsisi akong lumaki pa ako.
Nagsisi akong nagkamuwang sa mundo, nagsisi akong maging malaya sa inyo, nagsisi akong harapin ang tunay kong mundo, nagsisi ako ma, pa, nagsisi akong naramdaman ko pa ang lahat ng sakit at pait.

Sa pag daan nang mga araw, isip koy napukaw.
Na sana karga pa ako ni inay, na sana isang panaginip, isang panaginip lang itong lahat nang sa ganun akoy kay mapukaw.
Ma, pa , sana ang lambing niyo parin ang nadarama ko, sana ang malupit niyo parin bibig ang naririnig nitong tenga ko.
Masakit na masyado ang realidad ma, nakakapatay at nakakawalang gana.
Sa isip koy ako'y nag iisa, pero alam kong kayo'y nasa likod ko pa.
Malakas ako sa paningin nila, walang problema, walang ibang iniinda.
Pero ang puso ko parang pinipiga.  Iba na kasi ang sakit ngayon sa noon ma. Ibang iba na.
Iba na ang dahilan nang aking pag iyak, nang aking pagkagalit at ng aking pagmamahal.

Sana maibalik ko ang dati, sana maibalik ko ang kahapon, sana maibalik ko ang buhay kong wagas at tunay sa piling ni Inay at niItay.

Whilw writing this, I'm crying 😭😢 Naiiyak po talaga ako kasi nasasaktan na ako emotionally. Miss na miss ko na ang pagkarga nila sa akin kahit diko man matandaan ngunit alam kong sa puso ko ramdam na ramdam ko ito.
I wanna be a baby again, embracing my parents nonstop.  😭😢😭😢😭😢😭


2 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Blex
How can I free my soul?

a life I wanted to be

10
I write because I wanted to be free

Writing is a way of putting into words what is in you head

00
Huwag naman sana

Mahal kita kaya huwag naman sanang mauwi sa wala ang pinag hirapan nating buoin noon pa. ?

01

Stay connected to your stories

Sana

57 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on July 22, 2017

Recommended By

(2)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.