Balang araw darating din siya,
Yung taong biglang papakiligin ka.
Yung taong biglang kukulayan ang mundo mo.
Yung taong mamahalin ka ng totoo.
Isang araw magigising kana lang,
Sa katutuhanang lahat ng nakaraan,
Ay mawawalang parang bula sa kalawakan,
Habang kaharap mo ang taong nakatadhana.
Wag mong isiping mauubusan ka ng oras.
Wag kang matakot na mag hantay ng bukas
Wag mong ikahiya lahat ng maling pag ibig.
Dahil darating din ang tamang tao para sayo.
Minsan siguro maglilihis muna ang landas niyo.
Maaring akala mo hindi pa sya ang para saiyo.
Pero babalik at babalik ka rin sa daan,
Kung saan magtatagpo ang mga puso nyong minsa'y sugatan.
Sabi sakin ng isang matanda,
Ang pag ibig daw ay parang isang sugal.
Hindi mo alam kung kelan ka tatama.
Hindi mo rin alam kung kelan darating ang himala.
Pero kahit ano pa ang mangyari,
Manalig ka na may tamang tao para sayo.
Na balang araw sa dulo ng bahaghari,
Ay isang "siya" na sa puso mo'y magmamay ari.