Are you sure you want to report this content?
MALING AKALA
Nung aking kabataan, akala ko, pag-ibig ay pawang kaligayahan...
Dahil 'yun ang aking napuna, sa mga dalaga
sa aking kapaligiran.
Kaya ako'y napuno ng kasabikan, na ito sana'y akin ding maranasan.
Sa aking pagdadalaga, dun ko naranasan,
Maraming pagsuyo ang sa'kin ay nagdaan...
Nang una kong naramdaman, itong kakaibang pakiramdam, sagot sa mga tanong ay di ko makamtan.
Nang una siyang makilala, sarili'y di na maintindihan,
pagkat isipa'y laging naguguluhan, bakit ganito
ang sa kanya'y nararamdaman.
Lagi siyang laman ng aking isipan,
Hangad ko'y lagi siyang masilayan.
Kapag siya nama'y aking nakita,
Dibdib ko'y dumadagundong sa kaba,
na tila mga kabayo na nangangarera.
At kapag siya'y aking kausap,
Mga mata ko'y di makakurap,
At pakiwari ko ako'y lumilipad,
Aking ulirat tila sa hangin napadpad.
Parang sa aking sikmura, may insektong nagwawala, pati aking pisngi dama kong namumula.
Aking naisip, na pag-ibig na yata,
Ang sa aki'y biglang tumama...
Pana ni kupido, tila bumaon sa puso ko.
Nasabi ko sa sarili ko, sapantaha ko ay totoo,
masaya, masarap kahit nakalilito,
ang pag-ibig sa puso ng kahit na sino.
Inakala ko dati, sapat na yung saya pag siya'y nakikita, jackpot na pag siya'y nakasama.
Para sa akin ay tama na 'yung ako'y masaya
sa bawat pagkikita, pati sa panaginip lagi siyang nakakasama.
Magandang pakitungo niya at malambing na pananalita,
Sapat na para aking akalain, na iisa ang aming damdamin.
Palibhasa'y bagito lang ako, akala ko lahat ay totoo,
Kaya wala akong hinihintay na sa kanya'y pagpapatunay, dahil okey na ko sa ganung lagay.
Lumipas ang mga araw at buwan, at mga linggo sa buhay ko,
Wala akong nadamang pagbabago sa damdaming sa kanya'y meron ako.
Subalit isang araw aking nakita,
Ibang babae'y kanyang kasama, hawak kamay pa silang dalawa, na walang pakialam sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila.
Tulad nung una, kakaibang uri uli ang nadama,
Parang punyal ang sa aki'y tumama,
Tila hiniwa ang puso ko at kaluluwa.
Nang ako'y napag-isa, dun na tumulo
luha sa 'king mga mata.
Di makatulog, luha'y di maubos-ubos,
Sa isip ko, ako'y dinaya niyang lubos.
Lalong tumindi ang sakit na nadarama,
Nang aking malaman, sa aming mga kakilala,
Na ang babae palang yun, ay kanya na palang nobya.
Akala ko, ako ang gusto niya,
Na damdamin nami'y pareho para sa isa't isa,
Pero bakit naging ganoon, ang biro ng panahon,
Ang masaya noon, kalungkutan na ngayon.
Nang di na makayanan bigat ng kalooban,
Kasama na pati maraming katanungan,
Na pagkalito ang dulot sa isipan.
Humingi ng payo sa nakatatandang kaibigan,
Dahil di ko matanggap na puso ko'y pinaglaruan.
Noon ko lang naunawaan, sa pag-ibig pala ay dapat may kasunduan,
Di basihan ang anumang nararamdaman,
Di rin sapat nilalaman ng isipan,
Kung wala naman kayong pinag-usapan.
Dapat pala, pag-ibig ay sinasang ayunan,
Ng dalawang taong nagkakagustuhan.
Hindi rin tama yung sa palagay mo lang,
Kung walang panliligaw sa simula pa lamang.
Mga payo at paalala, ito'y nagbigay linaw,
Sa aking isipan at puso kong namamanglaw,
Napawi kahit konti, hapdi at sakit,
pati na din lumbay na sa aki'y kumapit.
Akin ding napatunayan, pag-ibig pala'y
di puro kaligayahan, mas matindi pala,
sakit na madarama....
...kung mali pala ang iyong AKALA.
5 Launches
Part of the Poetry collection
Published on May 12, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.