Hindi Ito Pag-Ibig.
Hindi naman ito pag-ibig
Wag kang mag-alala
Busog lang siguro ako
Kaya naduduwa
Paboritong hain ay di maisubo.
Hindi ito pag-ibig
Epekto ng katatakutang palabas
Kaya di tuloy makatulog
Panay pa singit ng bilugan mong mukha
Ginugulo ang aking diwa.
Hindi nga ito pag-ibig
May nalanghap sigurong masamang hangin
Paghinga ay di maitama
Lumayo ka nga!
Nakaharang ka sa daluyan ng hangin.
Sumasakit ang dibdib ko
(Hindi ako galit)
Bumibigat ang talukap ng mga mata
(Hindi dinadalaw ng antok)
Sumasakit ang anit
(Wala akong balakubak)
Nanlalamig ang mga kamay
(Bentilador ay nakapatay)
Tumigil ka!